chapter 9: PIANO

304 9 0
                                    


Tap-Tap's POV

Paglabas ko ng gate ay sakto namang may nagpark na itim na kotse sa tapat ng gate namin

"Good morning! Tara. Ihahatid na kita, Tiffany" sabi ni Rence pagkababa nya ng itim na kotse

"Wow! Kotse mo yan Rence?" Manghang tanong ko

"Oo. Don't worry may lisensya ako" nakangiting sagot nya

Whoa! Buti pa sya may kotse! >.< samantalang ako sa pangarap na lang ata magkakakotse

"So ano? Tara na?" Tanong ni Rence na binuksan yung pinto ng passenger seat

"Ah Rence, makikiangkas uli ako kay Raphael eh" sabi ko

"... Hindi ka ba natatakot na baka pag-initan ka ulit ng mga fangirls nya?" Seryosong tanong ni Rence

"Ok lang ako Rence, wag ka nang mag-alala sakin" nakangiti kong sagot

Takot? Hindi ako natatakot. Kasama ko ang Prinsipe ko kaya bakit ako matatakot? Hanggang kasama ko si Raphael ok lang sakin kahit pag-initan ulit ako ng kahit ilan pang babae. Ganun ko sya gustong makasama ^_^

"Pero Tiffany, baka masaktan ka ulit ku---" naputol ang sinasabi ni Rence nang lumabas si Prince Raphael KO sa kanilang gate

Nagkatinginan kaming tatlo. Magsasalita na sana ako nang tumalikod si Prince Raphael KO, agad na umangkas sa bisikleta nya at umalis na

>.< bakit ba palagi na lang syang masungit??? Makikisabay lang e T^T

Dahil nga sa iniwan ako ng Prinsipe ko ay si Rence na lang ang kasabay kong pumasok. Ang bait talaga nya no? Naalala ko tuloy yung ginawa nyang pagliligtas nya sakin kahapon, para syang knight in shining armor

Ay hindi mali!

Knight in shining killer smile pala! Haha! Ang ganda kasi ng ngiti nya ^_^

Pagpasok ko ng room ay agad kong narinig ang usap-usapan ng mga kaklase ko

"Gosh! Narinig nyo na ba yung nangyari sa apat na babaeng nang-bully kay Pascual sa old library?" Bulong ng isa kong kaklase sa katabi nya

"Oo grabe! Galit na galit si Prince at sya mismo ang nagpa-expel dun sa apat" sagot ng isa

"What do you expect? Para saan pa't anak sya ng may-ari ng school. Kaya nga sya nakilala bilang Prince" sagot ng isa

O.o

Anak ng may-ari ng K.U. si Rence?!

O0O

(>.<)

"What's with that Pascual ba and Prince? I thought si Raphael ang pini-flirt nya. Why is Prince pinagtatanggol her?" Inis na sabi ng isang girl habang nakatayo at nakatingin ng masama sa akin

Hala ka! Wala akong ginagawang masama!

"H-hi" nahihiyang sabi ng kaklase kong babae na nakasuot ng malaking salamin at mahabang palda

Wow! Ang cute naman nya! Sana ako din may ganyang kalaking salamin *0*

"Hello!" *Kaway-kaway* "uhm...bakit?" Nagtatakang sabi ko

pero at the same time masaya, mula kasi nung sinabi ni Abigail na hindi ko daw sila kakausapin ay wala ng lumapit at kumausap sa akin.

"Ako si Hydie. Pwede akong maki-upo sa tabi mo?" Tanong nya

"Talaga?! Gusto mo akong katabi?!" :D

"Oo naman" :)

"Sige. Dito ka na sa tabi ko. Ako si Tiffany Addison Pascual, tawagin mo na lang akong Tap-Tap" ^____^

Abnormal Sya, Manhid Ka (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon