TAP-TAP'S POV
"Tap-tap, paabot nga nong popcorn" sabi ni ate Liz habang nakaturo sa popcorn na nasa lamesa
"Ano ka ba naman Liz! Pangatlong bowl mo na yan ah, mag-share ka naman!" Sita ni kuya Ley
"Manahimik ka. Kakain ako kung gusto ko. Tsaka libre kaya. Hayaan mo si Rence mamroblema. Mwuhaha!"
"Haayy... Mukhang kailangan kong mag-grocery mamaya" panlulumo ni Rence
Natawa na lang kami. Paano, lahat na ata ng pagkain nila eh pinakialaman nila ate Liz.
Nasa bahay kami nila Rence ngayon dahil weekend at napag-usapan naming mag-bonding.
Yung pag-alis ko? Oo, alam nila ang tungkol doon. Hindi ko alam kung ano ang naging reaksyon nila dahil si Raphael ang nagsabi. May parte sa akin na masaya, kasi hindi ko na kailangan pang itago ang sakit ko maging ang pag-alis ko. May parte din na nagui-guilty dahil hindi ko masabi sa kanina ng harapan ang totoo... Pero mas malaki ang parte na humihiling na sana... sana wala na lang akong sakit, para hindi na ako naglihim pa at hindi ko na kailangaan pang umalis.
Mula nung nalaman nila ang pag-alis ko ay mas naging active na kami. Palging magkasama sa school. Gala. Bonding.
Sinusulit namin ang mga oras na magkakasama pa kami.
...
Nakilala ko na rin si Tito Richard, papa ni Rence, sya ang nagbigay sa amin ng permiso para pakialamanan ang mga pagkain nila. Nakakatawa si Tito Richard, mabait sya at feeling bagets. Akala ko ay may ilangan sa kanila ni Raphael dahil nga sa parang nililimitan nya si Rachelle na pumunta kay Raphael pero hindi pala. Parang anak ang turing nya kay Raphael at mukhang tuwang-tuwa pa sya na makitang may mga maiingay na mga bata na manggugulo sa mansion nila.
Masayang malaman na hindi ko na kailangan pang mag-alala kay Raphael tungkol sa pakikitungo ng papa ni Rachelle sa kanya
"Ate! Nabasa mo na ba yung latest chapter ng One Piece? Nakakainis yung mga Vinsmoke no? Sana talaga matalo ni Luffy si Big Mom at mabawi nila si Sanji!" Pagkukwento ni Rachelle sa akin habang kalong ko sya
"Kaya nga eh. Naalala ko tuloy nong binugbog ni Sanji si Luffy"
"Kawawang Luffy at Sanji" sabay na sabi namin ni Rachelle
"Naku, anime na naman" sabi ni Raphael na nakaupo sa tabi ko
"Maganda kaya!"
"Huh? Eh di ba ikaw din naman kuya, nanonood ng anime? Sabay pa nga tayong nanood ng kuroshitsuji eh" -Rachelle
"That's because you like it" -Raphael
"So you like it too?" -Rachelle
"Well, I have to, because the girls I love really like it" sabi ni Raphael tsaka sumandal sa sofa
"MAY KABIT KA?!" Sabay na tanong/sigaw namin ni Rachelle
Tapos nagtawanan lang silang lahat
=3=
"Hindi kaya nakakatawa to! May kabit daw sya oh! Wahhh Rachelle anong gagawin ko?" Pagsusumbong ko sa bata dahil parang masaya pa ang mga kaibigan ko na pinagtataksilan ang kaibigan nila
Hmp! Mga kamoteng okra kayo!
"Tsk. Tsk. Tsk. Dapat kasi ate Tap-Tap ay inaakit mo sya!"
"Inaakit?"
"Oo! Parang yong kapag titingin ka sa kanya, dapat magbeautiful-eyes ka" sabi ni Rachelle kay agad akong lumingon sa katabi ko na tumatawa, napatingin din sya sa akin kaya kumurap-kurap ako ng sobrang bilis... pero tinawanan lang nya ulit ako =3=
BINABASA MO ANG
Abnormal Sya, Manhid Ka (Completed)
Romancekabobohan: pwedeng idaan sa sipag at tyaga sa pag-aaral pwede rin sa ganda katangahan: pwedeng pagtakpan ng ganda o talino sa academics pagka-isip bata/baliw: ok lang basta cute ka pero paano kapag pinag sama ang lahat??? BOBO AT TANGA KA NA NGA...