Third Person's POV
Nasa cottage ngayon ang mga magkakaibigan sa tambayan ng grupo nila Rence sa school
"So you guys are in a relationship too?" Tanong ni Treve kila Kei at Liz nang mapansin ng lahat ang pagiging sobrang sweet ni Kei kay Liz
Inakbayan naman ni Kei si Liz at ngumiti... pero tinapik ni Liz ang braso niya
"Well, apparently, pakipot ang future wife ko. Sabagay, nakakasawa rin naman na ako palagi ang hinahabol ng babae" natatawang sagot ni Kei
"Boo! Lame couples!" Pang-aasar naman ni Rei
"Shut up, Rei. At least kami hindi nakakaumay sa kasweetan" sagot ni Liz
"Aba kasalanan ko bang patay na patay sa kwagwapuhan ko si Manang at palaging naglalambing?" Pagmamayabang ni Rei
"Ah ganun ba? Oh sige, si Kevs na lang lalambingin ko" sabi naman ni Haydie at akmang tatawag na ng hablutin ni Rei yung cellphone nya
"Di ba sabi ko wag mong babanggitin ang pangalan ng four-eyed na yun? Akin ka lang" Inis na sabi ni Rei at ibinulsa yung phone ni Hydie
"Now, tell me guys, sinong patay na patay kanino?" Mapang-asar na tanong ni Haydie habang inaayos ang salamin nya
Nagtawanan ang lahat dahil sa obvious naman na nadali si Rei
"Ayos dude! Possesive!" Pang-aasar pa ni Henry habang hinahampas sa likod si Rei na ngayon ay nakabusangot
Nagtatawanan lang at nagkukulitan ang mga magkakaibigan ng napalingon si Tap-Tap kay Raphael
Tahimik lang itong na nakadungaw sa bintana na parang ang lalim ng iniisip nya kaya nilapitan sya ni Tap-Tap
"Gano kalalim yan? Kailangan ko bang hukayin o sisirin?" Nakangiting tanong ni Tap-Tap
Kunot-noo lang syang tinignan ni Raphael. Hindi kasi nito makuha ang ibig sabihin ni Tap-Tap
"Ang lalim kasi ng iniisip mo eh" ^_^
Tinignan lang sya saglit si Raphael tapos ibinalik ulit ang tingin nya sa labas
Ok... hangin na ba ako ngayon? Invisible?! Nasaisip ni Tap-Tap
Mangungulit pa sana sya ng pumasok si Rence, sya na lang kasi ang kulang sa grupo
Lumingon muna sya kay Tap-Tap at napansing magkatabi sila ni Raphael kaya medyo nainis sya pero nawala agad ang masamang tingin nito ng lumingon sa kanya si Tap-Tap. Nginitian nya ito kaya ngumiti rin sya pabalik
"Guys, today is the last day of classes for first sem right? Tapos nyo na ba ang mga requirements nyo?" Nakangiting tanong ni Rence nang makabawi ng focus
"Psh. Pati ba naman samin Mr. SSC President pa rin ganap mo?" Iritadong tanong ni Kei, kakatapos lang kasi nitong ipass yung 'plate' nya na ilang gabi din nya pinagpuyatan
" Sagutin nyo na lang. Sinong available nextweek? And when I say next week, the whole week" nakangiting pa ring tanong ni Rence
"Alam mo para kang telenobela, pasuspense. Diretsyahin mo na kasi" singit ni Rei
"Epal talaga kayong kambal kayo. Ok sige na. I planned an outing for us. Sa beachhouse namin" announced ni Rence
Nagtalunan ang magkakaibigan dahil sa sinabi nya. Syempre dahil makakapagbakasyon sila at take note, libre lahat. Oh di ba? Kainggit
(A/N: sana may super rich kid din akong fren na hobby ang magwaldas ng pera XD)
Pag-uwi ni Tap-Tap ng bahay ay agad nyang ibinalita sa kanyang tita at kay Steve ang planong outing ni Rence. Tuwang-tuwa ang Tita nya at parang mas excited pa kaysa kay Tap-Tap... habang si Steve, poker-faced
BINABASA MO ANG
Abnormal Sya, Manhid Ka (Completed)
Roman d'amourkabobohan: pwedeng idaan sa sipag at tyaga sa pag-aaral pwede rin sa ganda katangahan: pwedeng pagtakpan ng ganda o talino sa academics pagka-isip bata/baliw: ok lang basta cute ka pero paano kapag pinag sama ang lahat??? BOBO AT TANGA KA NA NGA...