Chapter 7: Group Study

317 11 0
                                    

"Ang tagal!!!!!! Bakit ang tagal mong umikot?!" Sigaw ko habang inaalog ang relo sa ibabaw ng lamesa

"Miss Tiffany, pang-ilang sabi nyo na po yan?" Natatawang tanong ni ate Mia

"17 times... ay 19 ata? Eh kaseee~ ate Mia ang tagal mag 9 eh"

"Hahaha. Excited ka naman masyado Miss Tiffany. Hayaan mo maya-maya darating na din ang hinihintay mong bisita. Sige, tulungan ko muna si manang" sabi ni ate Mia bago pumuntang kusina

Haaaayyyy.... boooriiiinnnnggggg! Bakit kasi sabado na sabado eh may pasok si tita? Tapos nagsawa na ako sa psp ko. Wala namang bagong anime na mapanood. Tapos ang tagal mag-9... 8:04 pa lang!

Punta nga muna akong garden... ahh! Magdo-drawing na lang ako ng anime! ^_^

☆☆☆☆

"Tss. Pangbata" narinig kong mula sa likod

Lumingon ako at.... behold! NANDITO SYA! KYAAAAHH!!! DINADALAW NYA AKO! ^Q^

"Tsss. Ayusin mo nga yang itsura mo. Kinikilabutan ako sayo." sabi nya ng nakangiwi kaya nalukot ang gwapo nyang mukha

Waahhh! Kelan ba papangit ang Prince Raphael KO?! ay hindi! Hindi kahit kailan! Kasi gwapo sya! Forever gwapo sya! Hahaha

"Haha. Bakit ka nandito? Dinadalaw mo ba ako?" ^0^

"Asa ka. Ibabalik ko lang tong hiniram kong pala" sabi niya sabay lagay nung pala sa gilid at naglakad na palabas

"Teka!" Lumingon naman sya sa akin pero poker-faced sya

"Galit ka pa ba sakin? Sorry na oh"

Pero ganun pa rin yung itsura nya. Napayuko na lang ako kasi parang gusto ko nang maiyak

Haay... parang sobrang guilty ko tuloy. Ganito rin siguro yung naramdaman ni Rence nung galit ako sa kanya... uhm... pano ko ba napatawad si Rence? Ah! Basta ipapakita ko lang na nagsisisi na ako

"R-Raphael, sorry talaga kung pinaghintay kita. Sorry talaga hindi na m---"

"Ok lang naman sana na naghintay ako e. Ang ayoko lang ay ang nagmumukha akong tanga sa kakahintay ng isang taong hindi naman pala darating" sabi nya ng nakapamulsa at nakatalikod sa akin

Tumayo ako sa pagkakaupo at lalapitan na sana sya nang bigla syang nagsalita

"And that won't happen again. Hindi na kita hihintayin sa susunod" sabi nya at humakbang na paalis pero kumapit ako sa laylayan ng damit nya

"Sorry. Please wag kang magalit sa akin, please. I-I'm really sorry. Hintayin mo ako. Please... I'm sorry."

Hindi ko na napigilan ang mga luha ko.

Nakita kong nagulat sya ng makita akong umiiyak pero kasiiii....

Alam kong sasabihin ng sinuman na babaw namin, pero hindi ko mapigilang umiyak! Para sa akin, may double meaning ang sinabi niya... pakiramdam ko... kahit bilang kaibigan lang nya ay hindi na ako kailan man pwedeng maging... pakiramdam ko ang layo-layo nya bigla at ang hirap maabot... na once na mawala ako... ay bale wala na lang sa kanya...

"B-bakit ka umiiyak?!" Nagpa-panic na tanong ni Raphael

"E kasi... huhu... a-ayaw mo na sakin e... g-galit ka s-sakin. Huhu. Soooorrry na p-please? W-wag ka na magalit sakin. Hindi na talaga m-mauulit. Huhuhu"

"Tsk... O-Oo na! Oo na! Tumahan ka na... mukha kang sira. Hindi mo naman kailangang umiyak." sabi nya ng may salubong na kilay, tsaka ipinatong sa ulo ko ang kamay nya "... sorry din dahil nag-over react ako"

Abnormal Sya, Manhid Ka (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon