"Abnormal sya. Manhid ka." written by ellykrose
TAP-TAP: may tanong po ako, bakit written e di naman po sya isinulat, itinayp po. Eh di dapat typpen... typpen by ellykrose. di ba????
😑
ewan ko sayo! Kausapin mo sarili mo! 😒
.
.
♥♡♥♡♥♡♥
.
Tap-tap's POV
Yakap yakap ko ngayon ang malamig na rehas. Wala akong ginawang masama pero heto ako ngayon at nag-iisa sa likod ng rehas. Pawisan. Gutom. Nanghihina.
Laging sobrang bait kong bata at takot akong lumabag ng batas pero bakit di ako pipakinggan ng otoridad na nasa harap ko???
17 years old pa lang ako kaya bakit ginagawa nya sa akin to???
Bakit nila ako hinahayaan dito at naghihimas na lang ng malamig rehas???
Wala ba silang awa sa cute na batang katulad ko???
Bakit ayaw nailang hayaan na lang ako??? Wala naman akong ginagawang masama ah
😭
"Kuya, maawa na po kayo sa akin... Pakiusap" pagmamakaawa ko habang unti-unting napapaupo sa malamig na simento sa likod ng rehas
"hindi pwede. sumusunod lang ako sa utos"
"kuya... hindi ka ba naaawa sa cute na batang katulad ko??? Hindi naman po ako masamang tao" halos maiyak na ako sa pagmamakaawa
Huhu. I don't deserve this! 😭
"Hindi. Kaya dyan ka lang" pagmamatigas ni kuya
Galit na ako! huhu... ang sama sama talaga nya. Hindi na sya naawa!
Hindi na ako nakapagtimpi at niyogyog ko ang rehas "Kuya! Buksan mo to! Hindi ka na naawa! Wala kang puso! Atay! Balun-balunan! Bituk----"
Nang biglang itaas ni kuya ang kamay nya
Napapikit ako at hintay ang kamay nyang dumapo sa akin
Sasaktan ba nya ako?! Makakaya nyang manakit ng cute na bata?!
Waaahhhh!!!!
😱
"Miss! Hindi talaga pwede. EXCLUSIVE SUB-DIVISION ito at bawal magpapasok ng kung sino lang" pagtataboy sakin ni manong guard na mukhang naiinis na habang kinakamot ang kanyang ulo
.
.
😝
.
.
Hmp! Damot! Hindi naman mababawasan yang gate kapag pumasok ako eh
"Eii~i.... Kuya! Nasa loob po tita ko, pupuntahan ko sya" pangungulit ko habang niyuyogyog yung REHAS NG GATE
ahehehe... Kala nyo nakulong ako no!!!
Palabasin nyo ako dito... wala po akong kasalanan.. inosente po ako... hehe.. naisingit ko na naman yung joke ko 😅
"Sinong tita mo?"
" Nadine Aquino po.... papasukin nyo na po ako please" pagmamakaawa ko habang pilit na nilulusot ang sarili ko sa gate
"Si ma'am Aquino? Weh??? Sige nga, asan I.D. mo?" Sabi ni kuya na mukhang hindi kumbinsido
Hindi naman ako nagsisinungaling ah! Totoo namang pupuntahan ko sya 😞
BINABASA MO ANG
Abnormal Sya, Manhid Ka (Completed)
Romancekabobohan: pwedeng idaan sa sipag at tyaga sa pag-aaral pwede rin sa ganda katangahan: pwedeng pagtakpan ng ganda o talino sa academics pagka-isip bata/baliw: ok lang basta cute ka pero paano kapag pinag sama ang lahat??? BOBO AT TANGA KA NA NGA...