Liz's POVNakahiga ako sa kama at nakatitig lang sa kisame ng kwarto ko
Nagising na naman kasi ako ng madaling araw.
Hay nakakaasar na talaga!
Mula nuong sinabi sa akin ni Kei ang mga yun ay parati na lang akong nakatulala kahit wala naman akong klarong iniisip
Pinilit kong alisin sa isip ko yun at nagpabaling-baling na lang sa kama nang makita ko ang gray na dambuhang teddy bear na ibinigay nya sa akin
Napatitig ako dun at kasabay nun ang pagbalik na naman sa isip ko ng nangyari noong gabi na nag-away kami
*flashback*
"Liz, please, makinig ka naman sakin" pakiusap niya mula sa labas ng pintuan ng kwarto ko
Ayoko syang kausapin kaya nagtakip na lang ako ng unan sa ulo ko
Nakakainis! Bakit ba kasi sya pinapasok ni mama sa bahay eh! Argh! Nakakainis kang lalaki ka! Napakalandi mo! Mas masahol ka pa sa higad!
Hindi ko alam pero basta inis na inis ako kay Kei na parang gustong-gusto syang pagsasampalin, suntukin, tadyakan, lahat na! Pero ayoko syang makita... ayokong lumapit sa kanya
Inis na inis ako, na sa sobrang inis ko ay naiiyak ako
"Please Liz, buksan mo tong pinto. Mag-usap tayo"
Tumayo ako at naglakad patungo sa pinto para sana marahas itong buksan at nang maibuhos ko na kay Kei ang galit ko ... pero napahinto ako bago ko pa magawa ang binabalak ko dahil sa sinabi nya
"Mahal kita... mahal kita, Liz... mula palang nung senior high tayo"
Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung anong iisipin ko dahil sa sinabi nya. Mahal nya ako? Bakit? Paano nya nasasabi yan gayong kanina lang eh may kahalikan syang ibang babae?
Scheme nya ba to para maasar ako lalo?
Pwes oo na! Panalo na sya! Asar na asar na ako... at sa sobrang pagkaasar ko parang ang sakit na
"Yung babae kanina, isa yun sa mga ex ko nung bago pa kita makilala. Hinalikan nya ako pero hindi ko ginusto yun, Liz"
Ahh, oo nga pala. Ang tanga ko, babaero nga pala sya... noon pa. Akala ko natigil na ang pagiging playboy nya, pero akala ko lang pala
"For all I know, gusto mo lang akong idagdag sa kolesyon mo. Bakit ako pa ang napili mong pagtripan ngayon Kei? Bestfriends naman tayo di ba?" Panunumbat ko sa kanya at alam kong narinig nya yun kahit nasa kabila sya ng pinto
"Totoo ang sinasabi ko, Liz. Mahal kita. Alam kong bestfriends tayo... pero wala eh, hindi ko kayang baliwalain ang nararamdaman ko sayo lalo't gusto na kita bago pa man tayo maging magkaibigan"
"A-anong ibig mong sabihin?"
"Mula pa lang nung tinawag mo akong gago nuong senior high natin, nagkagusto na ako sayo. Araw-araw kitang pinagmamasdan at lahat ng mga nangbu-bully sayo noon, lahat sila binubugbog ko para lang maprotektahan kita... kasi gusto kita"
BINABASA MO ANG
Abnormal Sya, Manhid Ka (Completed)
Romancekabobohan: pwedeng idaan sa sipag at tyaga sa pag-aaral pwede rin sa ganda katangahan: pwedeng pagtakpan ng ganda o talino sa academics pagka-isip bata/baliw: ok lang basta cute ka pero paano kapag pinag sama ang lahat??? BOBO AT TANGA KA NA NGA...