OS #11: The One That Got Away

7.1K 122 13
                                    

Staree says: Some events are based on a true story. ECHOS. Hahaha. Maraming salamat, loves! Kaya nga mahal na mahal ko kayo eh. Hahaha! Sabaw to, promise. Hahaha

* * * * * 

The One That Got Away

Copyright © 2013 by staree. All rights reserved. 

* * * * *

Bored na ako.

Wala akong magawa dito sa bahay. Nagsasawa na ako sa routine ko na matulog ng madaling araw, gumising ng tanghali, humarap sa computer buong araw at maligo sa gabi. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit mahihirapan na naman ako sa pasukan. Nasisira na talaga ang body clock ko kapag panahon ng bakasyon.

Kinuha ko ang cell phone ko. Ang sweet talaga ng mga kaibigan ko. Halos dalawang buwan na kami hindi nagkikita pero wala man lang texts na I miss you Kamusta ka na? Buhay ka pa ba dyan? Paramdam ka naman!

Kung ako na lang kaya ang magtext sa kanila? May free unlimited text to all network naman ako dahil bagong bili itong sim ko. Kahapon ko lang nabili to. May nangungulit kasi doon sa lumang number ko.

Nagtype na ako ng message para sa kanila. Konti lang naman ang laman ng contacts ko eh, halos sampu lang. Pagkatapos kong mag-GM sa kanila, pumunta na ako sa kusina para kumuha ng pagkain. Sabi ko naman diba, may bagong dining table ako. Sa harap ng computer.

From: Arah

Gem, mag-online ka sa Twitter! Dali!

Nagtaka naman ako kung bakit yan ang text ni Arah sa akin. Oo nga't halos 24/7 na ako nakatutok sa computer pero minsan lang ako nag-oonline sa Twitter. Halos nauubos ang oras ko sa ibang sites eh, lalo na sa Tumblr.

Naglog in na ako sa Twitter account ko at pumunta ako sa Connect. Napamura ako ng hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi ng mga nagmemention sa akin. Obviously, halos isang oras na silang nag-uusap at talagang kailangan nila akong i-mention. Tamad naman akong magbackread kaya gumawa ako ng bagong tweet.

@AaaRawr and @Yahhney ANONG NANGYAYARI SA INYO? Sabog ang mentions ko!

Habang hinihintay ko ang reply ng mga bruha, binisita ko na naman ang Twitter account ni ex. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ng makita kong nakaprivate na ang account niya. Bitter na kung bitter pero nung nagbreak kami four months ago, I unfollowed him sa Twitter at Tumblr. In-unfriend ko rin siya sa Facebook.

At dahil napansin kong finafollow pa rin niya ako sa Twitter, wala na akong choice. Binlock ko na talaga siya para ma-unfollow niya lang ako. Bitter nga kasi ako. Two days later, tinopak ako at in-unblock ko siya at hindi naman siya nagsend ng follow request at friend request sa Facebook.

One Shots, A CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon