* * * * *
Dahil Sa Puppy
Copyright © 2012 by staree. All rights reserved
* * * * * *
"Oh my! Ang cute ng puppy!"
"Wow Tams! Ang cute ng puppy mo!"
Ngumiti lang ako sa kanila. Flattered ako eh. Hindi naman sa pagmamayabang pero... ANG CUTE TALAGA NI NIÑO! Sino nga ba si Niño? Well, si Niño ang nag-iisang puppy ko. Isa siyang shih tzu.
"Hehe, salamat!" sabi ko mga nakakasalubong ko na nagsasabing cute si Niño.
Part na ng daily routine ko na ang isama si Niño sa park para mamasyal. Exercise na namin tong dalawa eh. Yumuko ako at hinalikan si Niño. Hindi naman ako nandidiri. Duh? Everyday ko kayang pinapaliguan si Niño. At once a week, may dog grooming session siya. Oo, ganyan ko kamahal si Niño.
Pagdating namin sa park, pinakawalan ko kaagad si Niño. As usual, tumakbo naman si Niño papunta sa mga "dog friends" niya... na aso din ng mga fellow dog lovers ko.
"Hi Tams," bati sa akin ng isang kaibigan ko named Mae. Naging friends kami dahil sa mga puppies namin.
"Hello Mae, kanina pa kayo?" Umupo ako sa bakanteng upuan sa tabi niya. Mula dito sa inuupuan namin, natatanaw namin si Niño at si Sachi, ang aso ni Mae.
"Hindi naman," sagot ni Mae. "Wala pa nga sina Jessa eh."
"Baka hindi sila pupunta ngayon," sabi ko. "Sabi kasi ni Jessa kahapon, may gagawin daw silang school project nila."
"Oh. Sayang naman, nakakamiss si Ollie eh," sabi ni Mae. Si Ollie ang poodle ni Jessa.
Natawa ako. "Tama. Nakakamiss nga."
Nag-usap lang kami saglit. Nang medyo dumilim na, nagdecide na kaming umuwi. Tinawag na namin si Niño at Sachi. Nang makalapit na sa amin ang mga aso namin, agad namin nilagay ang mga tali nila at umalis na kami sa park.
~~~
"Tamiya!"
BINABASA MO ANG
One Shots, A Compilation
Historia CortaCorny, cheesy and cliche one shots, compiled version. Enjoy reading! \(*o*)/