Staree says: Sorry, best friends kami ni katamaran kaya wala pa ring updates hanggang ngayon. Anyway, ito na lang muna. Untitled dahil wala akong maisip na title. Kumusta naman ‘yun, dba? Hahaha. Salamat sa magbabasa. Ngayon pa lang sinasabi ko na, BITIN and sobrang OA nito. Okay? Hahaha. Labyu, readers!
* * * * *
Untitled
Copyright © 2014 by staree. All rights reserved.
* * * * *
Nakatanggap ako ng text mula sa kaibigan ko. Magkita daw kami sa mall dahil manonood kami ng sine. Ngayon lang pumasok sa isip ko na showing na pala yung movie na last year pa namin inaabangan.
Malas lang dahil wala akong pera. Did I mention na wala akong allowance dahil summer vacation ngayon? Kaya ‘eto ako, nganga. Hindi naman ako makahingi ng pera sa parents ko dahil wala sila dito ngayon sa bahay. It’s just me and the mumu named Mumu here.
Kahit load wala rin ako. Wala nga kasi akong pera. Mahirap ako ngayon. Mabuti na lang at may wifi. Salamat na rin dahil naimbento ang viber. Kaagad akong nagconnect sa wifi at tiningnan ko kaagad kung online ba yung kaibigan kong nagyayang manood ng movie. Thank goodness at online nga.
Me: Be, wala akong pera. Huehue. Next time na lang. Hihintayin ko na lang yung dvd. Huehue
Wala pang twenty seconds nagreply na siya.
Be: Sama ka na! Libre naman eh. LOLssss
Wow, it’s a miracle! Anong nakain nito at manlilibre? At dahil once in a blue moon lang kung manlibre itong si Be, sasama na ako. Minsan lang eh, kaya lubusin na.
Me: Be, rly? Syor, I’ll be there, won’t miss it for the world. Sunduin mo na rin ako pls, wala akong pamasahe. Huehuehue
Zero balance nga kasi talaga yung wallet ko. Hindi ko naman magalaw yung ATM ko dahil wala ng laman yun. Ay mali, may laman pa pala yun pero hindi na enough para makapagwithdraw ako. Kainis.
Be: Hay nako abuso. Oo na, itetext ko na lang si Jeck para madaanan ka. In twenty minutes dapat ready ka na, ah.
Me: Yes boss! Pakisabi kay Jeck na magtext na lang sa akin kapag dito na siya. Hahahahahahahaha. Labyu Be.
Pagkatapos kong magreply, dumeretso na ako sa kwarto ko para makapagready na. I planned to wear my Okay t-shirt dahil obviously, The Fault In Our Stars ang panonoorin namin. Pagkatapos kong maghanda, bumaba na ako kaagad dahil kanina ko pa naririnig ang sigaw ni Jeck sa labas.
“Oo na, ito na! Lalabas na! Kalma!” sigaw ko habang nagmamadali. Sinigurado ko munang nakalock ang pinto at gate. Excited masyado ‘tong si Jeck. Sabik rin sa libre, tulad ko.
“Ang bagal mo talagang kumilos,” aniya habang umiiling. Hindi na siya pumasok dahil takot yan kay Mumu, eh. Minsan na kasing nagparamdam si Mumu sa kanya. Kaya ayan, hanggang sa labas lang siya ng gate.
BINABASA MO ANG
One Shots, A Compilation
Short StoryCorny, cheesy and cliche one shots, compiled version. Enjoy reading! \(*o*)/