* * * * *
The Dare
Copyright © 2012 by staree. All rights reserved
* * * * *
"Bored na ako," reklamo ni Yen.
"Ako rin," I sighed. "Ano kayang magandang gawin?"
"Laro tayo," suggestion ng isang classmate namin.
Vacant period namin ngayon dahil pinatawag ang lahat ng faculty. Wala naman kaming magawa dito sa classroom. Ang ibang classmates namin, pumunta sa canteen. Less than 10 lang kaming natira dito.
"Anong laro?" tanong ni Tyrone.
"Sasali kayo?" di makapaniwalang tanong ni Yen sa kanya. "Sure yan?"
"Oo nga. Bored din ako eh." Tinawag ni Tyrone ang mga kabarkada niya at lumapit sa amin.
May nakita akong empty plastic bottle na pakalat kalat lang. "Truth or dare na lang," sabi ko.
"Masyadong common," reklamo ni Tyrone.
"Edi lagyan natin ng twist," sabi naman ni Mike.
"Ano na naman?" tanong ni Yen.
Nag-isip kami ng magandang twist para sa laro na to. Seryoso, bored na talaga kami.
"Hmmm..."
Napatingin kami kay Yen.
"May naisip ka na?" tanong ko.
Tumango siya. "Ibahin natin. Kasi naman, kapag truth, alam kong walang magsasabi ng totoo sa inyo. So instead, dare na lang lahat. Okay ba? Walang atrasan. Just for fun lang..."
Brilliant idea. "Game ako," I said. Tumayo na ako para kunin ang plastic bottle na nakita ko. "Sinong sasali?"
BINABASA MO ANG
One Shots, A Compilation
ContoCorny, cheesy and cliche one shots, compiled version. Enjoy reading! \(*o*)/