* * * * *
Jeepney Love Story
Copyright © 2012 by staree. All rights reserved.
* * * * *
"Kat, hindi ako makakasabay sayo sa pag-uwi mamaya ha? Susunduin ako ni Kuya eh," sabi sa akin ng kaibigan kong si Frances.
Ngumiti ako sa kanya. "Okay lang."
Nakinig ako sa lecture ng Professor namin sa GenPsy. May quiz daw kasi kami mamaya ah. Aray lang. Pagkalipas ng ilang minuto, pinapakuha na kami ng Professor namin ng 1/2 lengthwise na papel pero tumunog ang bell. Saved by the bell!
Agad namin kinuha ang mga gamit at lumabas na sa classroom namin. Not before inannounce ng Prof namin na next meeting na lang daw ang quiz. Okay lang yun. At least, makakapagreview pa kami.
"Bye, Kat!" Nagwave si Frances sa akin. "Wag kang matutulog sa jeep ah!"
Natawa na lang ako habang nagbabye sa kanya. "Bye France! See you bukas!"
Lumabas na ako ng campus at nag-abang ng jeep. Pumara ako kaagad ng jeep na walang masyadong pasahero. Hindi ako sanay na sumasakay sa puno na jeep eh. Feeling ko, hindi ako makahinga. Sumakay na ako sa jeep at sa pinakadulo ako pumwesto, ang favorite spot ko sa jeep.
Napangiti ako dahil ako pa lang mag-isa ang pasahero. Pero hindi pa umalis ang jeep. Naghintay pa ng ibang pasahero. Naiinip na ako kaya kinuha ko na lang ang iPod ko at sinaksak ang earphones sa tenga ko. Sinandal ko na rin ang ulo ko habang nagli-lip sync. Feel na feel ko pa nga eh dahil nakapikit pa ang mga mata ko.
May naramdaman akong sumakay sa jeep kaya minulat ko ang mga mata ko. Halos malaglag ang panga ko ng makita ko ang crush ko. Na nakaupo sa tabi ko. May konting space sa pagitan namin pero okay lang. Oh my. I kept my cool pero deep inside, nagha-hyperventilate na ako.
May ibang pasahero na rin ang sumakay. Kaya umisod ng umisod si crush hanggang sa magkatabi na kami. Yung sobrang close. Wah! Kinikilig na talaga ako!
Umandar na rin ang jeep. Sa wakas. Kinuha ko ang binder ko sa bag ko para magkunwaring nagrereview. Almost thirty minutes pa kasi ang byahe bago ako makarating sa bahay.
Habang nagkukunwari akong nagbabasa ng notes, unti-unti na akong inaantok. And before I knew it, nakatulog na pala ako. Nagulat ako sa pwesto ko.
BINABASA MO ANG
One Shots, A Compilation
Short StoryCorny, cheesy and cliche one shots, compiled version. Enjoy reading! \(*o*)/