* * * * *
May Chemistry Tayo!
Copyright © 2012 by staree. All rights reserved
* * * * *
Uy dude, saan ang room natin sa Chem?
Pagkatapos kong i-send ang text message na yan sa isang blockmate ko, dumiretso na ako sa canteen para kumain ng breakfast. Hindi ako nakakain sa bahay kanina dahil nagmamadali ako. Bakit? Kasi akala ko, late na ako dahil 7:30 ang klase ko sa Chemistry at pagtingin ko kanina sa relo ko, quarter to eight na. Pagdating ko naman dito sa school, nadiscover ko na sobrang maaga pala ako. In other words, may topak ang relo ko at masyadong excited sa pagpapatakbo ng oras.
Second day of school pa lang ngayon kaya medyo lost ako at hindi ko alam kung saan ang room namin sa Chemistry. Ngayon kasi ang first day para sa Chemistry namin. Tuesdays at Thursdays lang naman kasi ang Chemistry class namin. Lecture every Tuesday at laboratory naman every Thursday.
"Heart, nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap eh."
Napaangat ang tingin ko mula sa kinakain kong fried rice with tocino and egg at nakita ko ang blockmate kong si Ken. Pareho kaming kumukuha ng BS Psychology. Malamang, blockmates nga kami eh.
"Bakit?" tanong ko sa kanya.
"May Chemistry tayo?"
At dahil may laman na ang tyan ko at gumana na naman ang malalanding cells ko sa katawan, naisipan kong pagtripan siya. Ngumiti ako ng nakakaloko sa kanya. "Yieee... Nararamdaman mo rin na may Chemistry tayo?" Nagbeautiful eyes pa ako.
"Ha?" naguguluhang tanong niya. Kumunot pa ang noo niya.
Kinurot ko siya sa pisngi. "Ang pagong mo talaga!" Tumawa ako with poise. Ayoko naman na ma-turn off siya sa akin eh. Bawas ganda points din yun. "Wala, sabi ko itext mo sila at itanong mo kung saan ang classroom natin."
Tinapos ko na ang pagkain ko habang siya naman ay umupo sa harap ko at sinunod nga ang sinabi ko. Hindi ko alam pero nakita ko siyang nagtetext eh. So baka malamang ay itetext na niya ang mga blockmates namin.
"Hi Ken!"
BINABASA MO ANG
One Shots, A Compilation
Short StoryCorny, cheesy and cliche one shots, compiled version. Enjoy reading! \(*o*)/