OS #1: Wrong Send

16.1K 384 98
                                    


* * * * *

Wrong Send

Copyright © 2012 by staree. All rights reserved. 

* * * * * 

"Irene! Happy birthday!" bati sa akin ng best friend ko sabay yakap. 

"Salamat, Kim!" bumitaw ako sa yakap at tiningnan ang mga kamay niya. Eh? Bakit walang regalo? "Hoy Kimberly, where's my gift? Bakit wala kang dala?" 

"Ano ba, Irene. Masyado kang atat. Special yung regalo ko para sayo. I'm sure you'll love it."

"Asan na? Don't tell me binalot mo sa invisibility gift wrapper?" 

"Baliw! Hindi ah," kinuha niya ang cellphone niya. "Ang gift ko sayo ay..."

"Ay ano?" tumaas ang kilay ko. "Share-a-load?" 

Binatukan niya ako. "Hindi! Eto oh..." pinakita niya sa akin ang phone niya. At nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

"Oh em! Saan mo nakuha to?!" 

"Secret," nakangising sagot niya. "Oh, kopyahin mo na. Bilis."

Agad kong kinuha ang phone ko at kinopya ang number NIYA. Yes! Ang number ng crush ko! Matagal ko ng pangarap na makuha ang number niya pero heller! Nahihiya akong lumapit sa kanya! 

Nagtatalon ako habang nakayakap sa kanya. "Thanks, Kimmy Dora the Explorer! I love you talaga!"

"Ang sama mo talaga. Kailangan talagang Kimmy Dora the Explorer?" inirapan niya ako. Ngumisi lang ako.

"Ay sows, halika na nga! The party don't start til I walk in," sabi ko at rumampa na kami papasok sa venue ng birthday ko. 

"Feeling Kesha ka na nyan?" bulong niya. 

"Oo naman!"

~~~

Tapos na ang party ko at nandito na ako ngayon sa kwarto. Nakahiga sa kama ko habang pinagmamasdan ang number ni Enrico mi amor.

To text or to text? Nagtoss coin ako. Kapag heads, itetext ko siya. Kapag tails, itetext ko pa rin! Ano ba, sayang ang effort ni Kimmy Dora the Explorer kung hindi ko itetext si Enrico mi amor. Ano kaya ang itetext ko? Hmmm. Isip isip, Irene. Pagkalipas ng sampung minuto, nakaisip na ako pwedeng itext. 

To: Enrico<3

Hi :)

Message sent! Ang ganda ng tinext ko. Inabot pa ako ng sampung minuto sa pag-iisip. Epic fail talaga. Pagkatapos kong i-send ang napakahabaaaaaaaaaaang text ko, nagsimula na akong kabahan. Ano kaya ang irereply niya? Uwaaaaaaaaaaaaaaah! I'm hyperventilating!

Napatingin ako bigla sa cellphone kong inilagay ko sa tabi ng laptop ko. Paano ba naman kasi. Tumunog ang message alert tone ko! Uwaaaaaaaaaaaaaah! Siya na kaya tong nagreply? Kinuha ko ang phone ko ng hindi tinitingnan ang screen ng cellphone ko. 

Pinikit ko pa ang mga mata ko for dramatic effect. Huminga ako malalim at unti-unting binuksan ang mga mata ko. Halos magtatalon ako sa tuwa ng makita kong nagreply siya. Nagreply si Enrico mi amor! 

From: Enrico<3

Hu u?

Humaaaaaaaaayguuuuulaaaaaaaaaaaay. Feeling ko eh, anytime lalabas na ang puso ko sa ribcage ko. Nanginginig na din ang mga kamay ko. Paano pa ako makakatype ng irereply ko nito?! Okay, Irene, take long deep breaths. Inhale, exhale. 

One Shots, A CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon