* * * * *
What Is Love? (May Chemistry Tayo 2)
Copyright © 2013 by staree. All rights reserved
* * * * *
Katatapos lang ng lecture namin sa Chem at nandito kami ngayon sa classroom namin for our next subject. Hinihintay na lang namin ang prof namin na wala pa. Yung ibang classmates namin, tumambay muna sa labas, yung iba naman ay pumunta sa CR. Pero nandito lang ako sa loob ng classroom. Mas mainit kasi sa labas kesa dito sa classroom eh.
Kinuha ko ang cell phone ko dahil bored ako. Isa pa, gusto kong magmukhang busy para hindi ako magmukhang tanga. Kaming tatlo lang ang nandito sa classroom eh. Ako, si Ivan at si Ken.
"Hoy Puso," narinig kong tawag ni Ivan sa akin. Nakaupo siya sa kaliwa, malapit sa bintana. Ako naman ang nakaupo sa harapan niya. Kaya kailangan ko pang lumingon para lang maharap siya. At in fairness, ang sakit sa leeg.
Tiningnan ko siya ng masama. "Si Heart ako! H-E-A-R-T! Hindi PUSO!"
"Sus, ganun na rin yun," he reasoned out na mas lalong nakapagpainis sa akin.
"Excuse me! Magkaibang-magkaiba kaya! Wala kayang H, E, A R at T ang PUSO! At mas lalong walang P, U, S at O ang Heart!"
"Ang haba ng sinabi mo. Bakit, ano ba ang english ng Puso?"
"Tss." Umirap ako at nagpout sabay cross ng arms ko. Oo na, aminado na akong talo na ako.
"Nagpapacute ka, Puso? Nagpapacute?" natatawang sabi niya. "Oh, saan ka pupunta?" tanong niya kay Ken. Biglang tumayo si Ken eh.
Ako naman tong si bruha, nag-iwas kaagad ng tingin ng bigla siyang tumingin sa direksyon ko. Nahihiya ako eh. Isang linggo ko na rin siyang hindi pinapansin. Hindi maalis sa isip ko ang kahihiyan na ginawa ko on that faithful day he confessed his undying love for me.
Ay, undying talaga?!
*Flashback*
"...nung nagkaroon ng electricity, sumunod naman yung sparks..." seryosong sabi niya sa akin.
Gulat akong napatingin sa kanya. Then tumawa ako. Oo, tumawa ako. Sa sobrang lakas ng tawa ko, sumakit ang tiyan ko. At hindi ko na napigilan. Nag missed call si nature sa akin, in other words, errr... basta nag missed call! Isang napakalaking kahihiyan!
BINABASA MO ANG
One Shots, A Compilation
Short StoryCorny, cheesy and cliche one shots, compiled version. Enjoy reading! \(*o*)/