OS #5: Like I Always Do

10.5K 197 11
                                    

* * * * * 

Like I Always Do

Copyright © 2012 by staree. All rights reserved

* * * * *

First day of school ngayon. Ugh. Tinatamad pa akong pumasok! Bitin ang summer vacation. Pwedeng pa-extend?



"Kellyyyyyyyyyyyyyyy!"

BOOM! Sumabog ang eardrums ko sa lakas ng sigaw ni Krizza. Malakas na sigaw to the point na lahat ng students ay napalingon. Tumakbo si Krizza papunta sa akin. 

 

"Wow, Kelly! Mas gumanda ka pa!" 

"Ugh, Krizza, pakihinaan ng boses, please? Nandito lang ako sa harap mo," saway ko sa kanya. "Bakit ba ang hyper mo?" 

"Ang OA mo, Kelly. Anyway highway, hyper ako kasi fourth year na tayoooo!"

Oo nga pala. Fourth year na kami. Seniors na kami. This is our year. Huling taon na namin dito sa Woodbridge Academy. 

Dumiretso na kami sa fourth floor dahil nandun ang tatlong classrooms ng fourth year. Three sections per year level kasi and each year level in every floor dito sa main building. Imagine that. Kung fourth year ka na, mapapawisan ka sa pag-aakyat marating mo lang ang classroom mo.

"Oh, anong section mo?" tanong ko sa kanya. Hinahanap na namin ang mga pangalan namin sa listahan. Nakita ko ang pangalan ko under the IV-Bravo class. In other words, section two. 

"Uhm..." kumunot ang noo ni Krizza sa paghahanap. "Ayun! Bravo. Ikaw?"

Ngumisi ako sa kanya. "Classmates ulit tayo? Ano ba yan, nagsasawa na ako sa pagmumukha mo," pagbibiro ko.

Nagpout siya. "Ang sama mo. Ayaw mo nun? Four years straight tayong classmates. Aww, together forever talaga tayo, bespren."

"True," inakbayan ko siya at pumasok na kami sa classroom ng Bravo. Ayos! Halos lahat ng classmates namin ngayon ay kaklase namin last year. First day pa lang pero ang ingay na namin. Kwentuhan to the max, chikahan galore at lahat na.

"Kelly," kinilabit ako ni Krizza. 

One Shots, A CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon