* * * * *
Like A Rubix Cube
Copyright © 2012 by staree. All rights reserved.
* * * * *
Sign #10. He must know how to solve a rubix cube.
"Hala, seryoso to?!" gulat na tanong sa akin ni Arah. "Bakit ganito? Ang hirap naman nito!"
"Seryoso yan," sagot ko.
"Eh bakit kailangan rubix cube talaga? Okay ka lang?" Binasa ulit ni Arah ang mga sinulat kong signs. "At talagang ang number 10 pa ang pinakamahirap ah."
"Maraming reasons kasi kung bakit gusto ko marunong siyang magsolve ng rubix cube," sabi ko.
"Like what?" tanong ulit ni Arah.
Saglit akong nag-isip. "Well, for one, it'll test his patience..."
Tumango tango si Arah, as if considering my answer. "And then?"
I shrugged. "Secret na yung isa," sabi ko sa kanya. Binato niya ako ng crumbled paper at nagtawanan kami. Nandito kami ngayon sa study hall, tumatambay habang hinihintay ang two thirty class namin.
Habang busy ako sa pagbabasa ng Gone With The Wind, bigla na lang akong siniko ni Arah kaya napatingin ako sa kanya. "Nandito si John Paul," bulong niya.
Lumingon naman ako para makita si John Paul. And there he was, nasa kabilang mesa kasama ang rumored new girl friend niya. Yumuko na lang ako para hindi ko na sila makita pa. Nasasaktan ako eh. Hanggang ngayon kasi, mahal ko pa rin siya. Kahit na six months na kaming break. At ang masaklap pa, walang sinuman sa mga kaibigan ko ang nakakaalam na naging kami ni John Paul.
"Anong oras na?" tanong ko kay Arah ng hindi inaalis ang tingin ko sa binabasa kong libro.
"Two o'clock," sagot niya.
"Punta muna ako sa canteen." Tumayo na ako at kinuha ang bag ko. "Mauna ka na lang sa classroom, okay?" Lumabas na ako ng study hall nang hindi nililingon si Arah. Kapag ginawa ko kasi yun, makikita ko lang si John Paul. At masasaktan lang ako kapag nakikita ko siyang masaya kasama ang ibang babae. I sound so pathetic, right? Pero anong magagawa ko? Tao lang ako, hindi bato.
BINABASA MO ANG
One Shots, A Compilation
Short StoryCorny, cheesy and cliche one shots, compiled version. Enjoy reading! \(*o*)/