OS #18: He's Back

4.7K 72 11
                                    

Dedicated to B. Hi B, I'm sorry kung medyo late. But better late than never naman, di ba? Hahaha. Love you B. Belated happy 1019. 

Take note: Hindi ito related sa Puzzle Pieces, okay? Okay. Labyu. Hahaha

* * * * *

He's Back

Copyright © 2014 by staree. All rights reserved.

* * * * *

Naririndi na ako sa pagtunog ng cell phone ko. Grabe naman 'tong si Kristina! Kung makatawag wagas! Ganyan talaga kapag naka-unlimited call? Talagang unlimited kung makatawag sa akin?!

Kahit na naririndi na ako, hindi ko pa rin ito pinansin. Magsasawa rin yang si Kristina sa pagpapasabog ng cell phone ko. Kitang kumakain pa ako ng agahan, eh!

Pagkalipas ng halos sampung minuto ay natapos din akong kumain. Hinugasan ko na ang pinagkainan ko bago ako umakyat sa kwarto ko. Mag-isa lang ako ngayon dito sa bahay kasi may date si Kristina at hindi ko naman alam kung saan gumala si Chesca.

Magkasama kaming tatlo dito sa apartment na pagmamay-ari ni Chesca. Dito lang kami tumira ni Kristina para makamura. Mabuti na lang at generous si Chesca kaya may discount kami.

Pagpasok ko sa kwarto ko, agad kong hinanap ang cell phone ko. Hindi na ako nagtaka kung bakit may notification na na low battery ito. Sabi ko naman diba, wagas kung makapang-asar si Kristina.

October 19 nga pala ngayon.

Napabuntong hininga na lang ako. Ilang taon na ba ang lumipas? Lima? Anim? Pito? Hindi ko na mabilang sa sobrang tagal. Pero bakit hanggang ngayon, ramdam ko pa rin ang sakit? Bakit parang ang bitter ko pa rin?

Mabuti pa si Kristina, nakamove on na. Si Chesca, umaasenso na ang love life. Eh ako? Wala, stuck in the moment pa rin. Stuck pa rin sa nakaraaan kaya hindi makamove on.

I charged my phone at pumasok sa banyo para maligo. Tuwing ganitong araw, pumupunta ako sa beach para magpakaemo. I've been doing this for years kaya parang naging routine ko na. 

Biglang tumunog ang isang cell phone ko. Dalawa kasi ang cell phone ko, isang globe at isang smart. Ayoko naman na bumili ng cell phone ng dual sim kaya nagtitiis ako sa dalawang phones. Ang high maintenance!

From: Chesca

Kael, nasaan ka? Punta ka dito sa Pizza Oh-lala. Now na!

Ang Pizza Oh-lala ay negosyo rin ni Chesca. Doon ang tambayan namin minsan dahil libre ang pizza sa amin ni Kristina. Perks of having a generous friend.

Nagreply na lang ako kay Chesca at sinabi kong mamaya na lang ako pupunta. Alam naman niya na dadaan muna ako sa beach para magpakaemo. Alam naman niya kung ano ang araw ngayon.

Pagkatapos kong masigurado na nalock ko ang pinto at gate, lumabas na ako at nagdrive papunta sa pinakalamapit na beach. Hindi ko na kailangan pang pumunta sa malayo, sayang sa gasolina.

One Shots, A CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon