OS #15: Drew's Chance

4.9K 115 2
                                    

Sequel ito ng Bittersweet Lemon. Hanapin niyo na lang yung one shot ko entitled Bittersweet Lemon kung gusto niyo makilala si Lemon. Hahaha. Or click niyo yung external link.

Warning: Sabaw to. I promise.

* * * * *

Drew's Chance

Copyright © 2014 by staree. All rights reserved.

* * * * *

Nang makita ko si Lemon kahapon, akala ko nabigyan ako ng pag-asa na maibalik ang lahat sa dati. Pero totoo pala ang sinasabi nila na maraming namamatay sa maling akala. At isa na ako doon. Umasa akong pupunta siya ngayon. Humingi ako ng senyales. Kung pupunta man siya ngayon, ibig sabihin ay napatawad na niya ako sa panggagagong ginawa ko sa kanya noon.

Pero naghintay lang ako sa wala dahil hindi siya nagpakita.

Pagkaubos ko ng pangatlong bote ng beer, nagpaalam na ako sa kanila. Kailangan ko ng umuwi. Pero kailangan ko munang makausap si Lemon. Kailangan kong humingi ng tawad sa kanya. Kailangan ko ulit ang best friend ko sa buhay ko.

 

 

Hindi ko dala ang kotse ko ngayon kaya kailangan kong magcommute para makauwi. Nagpresenta ang kaibigan kong ihatid ako pero tumanggi ako. Alam kong nag-eenjoy pa siya dito.

Lumabas na ako ng bar kung saan ginanap ang after party ng reunion namin. Hindi pa ako lasing kaya alam kong hindi ako nagmamalikmata. Biglang nabuhayan ako ng loob.

 

 

Nandito siya!

Nandito si Lemon!

 

 

Red light.

 

 

Ito na ang pagkakataon ko para mahabol siya. Ang pagkakataon na hindi ko pwedeng isayang. Ang pagkakataong maayos ang lahat sa amin.

“Lemon!” sigaw ko para marinig niya ako. Lumapad ang ngiti ko ng lumingon siya. Binilisan ko ang pagtakbo ko palapit sa kanya. Nasa kabilang kalsada siya at kailangan kong makatawid. Kailangan kong bilisan habang red light pa.

Nanlaki ang mga mata niya. “Drew!” sigaw niya.

Pakiramdam kong nagslow motion ang lahat. Biglang nagflash sa utak ko ang mga masasayang alala ko noong bata pa ako at kasama ko si Lemon. Ang paglalaro namin ni Lemon sa playground malapit sa bahay nila, ang pagtulak ko sa swing kung saan siya nakaupo, ang paghahabulan namin sa ulan. Ang panliligaw ko sa kanya noong high school kami, ang unang date namin, ang unang halik namin, ang lahat ng pinagdaanan namin.

One Shots, A CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon