FRRF 8

3.3K 115 9
                                    

Toktok

"Come in." Rinig kong sabi ni Alden sa kumatok. I'm still sitting on his chair while munching some chips. Hihi. Feeling boss ako ngayon no, kaya siya? Andun nakaupo sa upuang pinadeliver niya. Mehehe.

"Good Morning Sir. Mr. Mon told me to report here sir." Rinig kong sabi ng baritong boses.

"And you are?"

"James Ramirez at your service sir." Magalang na sagot nung lalaking hindi ko pa nakikita.

"I'll call somebody to assist you regarding the work you need to do. Leave." Rinig kong sabi ni Alden sa bagong dating.

"Thank you sir. I'll go ahead." Papalabas na siya pero di ko pa din nakikita itsura niya at dahil curious ako, lumingon ako bigla.

Naabutan ko siyang nakatitig at nakatulala sakin.

"Yes?" I asked pero waley effect. Problema neto?

"Why the hell are you still standing there?" Medyo bakas ang irita sa boses ni Alden.

"Ah.. hm sir.. Kapatid niyo po ba siya?" Tukoy niya sakin.

"Do we look like sibilings to you?!" Ngayon bakas na bakas na ang galit sa tono niya.

"Opo. At ang ganda po ni maam-"

"WHAT THE HELL ARE YOU TALKING ABOUT?! 2 CHOICES. LEAVE OR YOU'RE FIRED!" Mukhang natauhan naman yung bagong secretary SANA ni Alden at nagtatakbo palabas.

Naglabas bigla ng phone si Alden at may dinial. "MON! ANONG KLASE BA NAMAN YUNG PINADALA MONG SECRETARY? WHAT THE HECK LANG! HE PISSED ME OFF! PALITAN MO SIYA AGAD!" Gigil na gigil siya ng ibinaba niya yung cellphone. Halos mawasak na nga ito sa diin ng pagkakahawak niya e.

"Hey. What's wrong with you?" I asked sincerely. Mukhang badtrip na badtrip na kase siya kaya di dapat sabayan ang galit niya.

"You really don't know?" Bumaba na yung boses niya pero bakas pa rin ang pagkairita.

"Magtatanong ba ko kung alam ko?" I hissed.

"That guy likes you!"

"And so?"

"And so? Really?! Yan lang ang reaction mo? What the hell?! Maybe you like him too? Ha?!"

"Ano ba kaseng kinakagalit mo ng ganyan?! As if naman magiging kami dahil lang may gusto siya sakin!"

"Damn it!" Galit na tumayo siya sa harap ko at tinitigan ako ng matalim.

"Ugh! Damn it your face Alden. Ang labo-labo mo! Nakakairita! Para kang babae kung magtantrums!" Sabi ko sabay lakad palabas.

"Where the hell are you going?!"

"You already answered your own question. HELL!"

"What the heck?! Siguro pupuntahan mo yung lalaking yun ano?!"

"Fudge you Alden! Ano bang pinagkakaganyan mo! Ha? Tsaka sige nga ano ba naman sayo kung magustuhan ko din siya ha? Okay lang naman diba?!" Naiinis na talaga ko. Lawak ng imagimation e. Makalayas na nga lang.

"I'm fvcking jealous okay! I'm jealous!"

"What?" Bigla akong napahinto sa paglalakad at humarap sa kanya. "Ano ulit yung sinabi mo?"

"Narinig na, ipapaulit pa."

"Ayaw mo? Fine!" Akmang tatalikuran ko na siya ulit ng pigilan niya ko sa braso.

"I'm jealous." Mahinang sabi niya.

"Anong nagseselos ka? Di ko maintindihan. Bakit?"

"Anong bakit? Nagseselos ako e! Ayaw kong may malapit sayo na iba. Ayokong may tumititig sayo maliban sakin. Ayokong mawala ka sakin."

"Bakit?"

"Ha?" Mukhang natauhan siya sa tanong ko at ng makabawi ay ngumisi. "Eh siyempre nililigawan kita diba?" Kahit na sinabi niyang about lang sa seminar yung nararamdaman niya, bakit parang di ko mapaniwalaan?

Parang totoo na kase yung inaakto niya kanina e. Hay. Ewan. Bahala na nga. Ginugulo niya ko e.

"Ah. Stop worrying. Hindi kita iiwan hangga't hindi mo sinasabi." Sabi ko and I mean it. "Coffee tayo?" I asked para mawala na yung tensiyon sa pagitan namin.

"Okay. We still have 30 minutes before my meeting starts." Sabi niya sabay akbay sakin.

***

"Good Morning sir/maam." Magalang na bati ng mga nakakasalubong namin.

Kitang-kita mo yung respect nila sa kasama ko.

Well, sino bang hindi diba? Kasama ko lang naman ata ang CEO ng kompanyang to.

"Take her order." Utos niya sa waitress na lumapit samin. Tsaka humarap sakin. "I'll just go to the men's room." Sabi niya sabay kiss sa ulo ko. Hihi. Ang sweet lang.

Napangisi tuloy ako kay ateng waitress na halatang nadisappoint dahil nagpapa-cute siya kanina kay Alden. Pasalamat siya di ko suya sinabunutan.

"I'll have Cappucino and chocolate heaven cake." Tsaka ako tumitig sa kanya. "And for my BOYFRIEND, black coffee and banana bread." Napayuko naman siya ng binanggit ko yung word na boyfriend.

"Is that all Maam?"

"Yes. Now leave." Mataray na sabi ko. Ano ba to bakit tuwing kasama ko yung nilalang na yun, lumalabas ang pagka-bitch ko? Ugh!

I was just surfing the net while waiting for him and my orders when someone called my name.

"Maine?" Sabi ng isang pamilyar na boses pero hindi ako nag-abalang lingunin man lang ito. "Ikaw nga! How are you Maine?"

Sino ba to? Istorbo e! Nilingon ko na yung tumawag sakin. "JAKE?!"

Gosh! He looks like a greek god too! Pero siyempre mas lamang pa din si Alden ko. Ano daw?

"Wow! You look stunning Maine. How are you? Are you alone? God! I missed you!" He even hugged me.

"Hey. Stop hugging me." Tulak ko sa kanya.

"Sorry. Can't help it. I just missed you so bad." Inirapan ko lang siya.

"Sorry to hurt you but I didn't feel the same way." He looked hurt pero kulang pa yan sa kagaguhang ginawa mo sakin no.

"Di ka pa rin nagbabago. May kasama ka ba? Can I join you-" Biglang nag-ring yung phone niya. "Excuse me." Sabi niya saka sinagot yung tawag. "I'm at the cafeteria. What? Akala ko ba okay na yung proposal? Okay okay. I'm coming. Yes.. yes. Bye." Saka niya binaba yung tawag.

"Sorry Maine but I have to go." Tinitigan ko lang siya with my bored look. Duh. I don't freakin' care. "I'll surely see you around. Take care." Wow! He even have the guts to kissed me on my forehead?!

Aapila pa sana ko pero nakaalis niya siya.

Masama ko na lang tinignan ang papalayo kong Ex-boyfriend.

FAKE RELATIONSHIP, REAL FEELINGS (ALDUB) (Maiden) #Wattys2015 #TNTPanaloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon