"Babe meeting with Mr. Sy regarding the partnership at 10 am." Paalala ko kay Alden na nagta-type sa laptop niya.
Napatingin siya sa orasan niya.
"Let's go?"
"Bakit?"
"Cause you're my girlfriend?" Nakangiting tanong niya.
"Secretary." Pagtatama ko. Siyempre nasa office kami e.
Ay alam niyo na ba? Pinalipat niya yung desk ko sa loob ng office niya. Para daw lagi niya ko makita. Hihi.
"Psh. Ganun na rin yun. Tara na?" Inakbayan na niya ko palabas ng office niya.
***
"Reservation of Mr. Sy." Sabi ni Alden sa waitress na halatang nagpapa-cute sa kanya. Duh. Girlfriend here.
"This way sir, maam." Nauna na siyang maglakad sakin.
"Babe nagseselos ka na naman no?"
"Hindi no."
"Sus. Di daw. Nagpapawis ilong mo o." Tsaka niya pinisil ilong ko.
"Eh! Nakakainis kase yung waitress e." Nakangusong sabi ko.
"Di ko naman inentertain no. Loyal to no." Sabi pa niya.
Loyal nga ba? Hay. Ano ba to? Bigla akong ginulo ng nakaraan. Tsk. Dapat kalimutan ko na yun dahil new story na namin to diba?
"Oh! Glad you're here na. Didn't expect you to come Maine." Shems. Sino pa nga ba? Edi si Shaira!
"I thought we'll be meeting Mr. Sy babe?" Imbis na kausapin siya, si Alden ang kinausap ko.
"My father can't come." Singit ng higad.
"Really? Mr. Sy is your father? How come you don't have the same surname?" I asked. Bakit ang tagal na naming magkaibigan, ngayon ko lang nalaman?
"Long story. Have a seat first. Kain muna tayo before we talk about the business partnership?"
"Sure." Si Alden na ang nag-order para sakin.
Nawala na ko sa mood e. Ewan ko ba, whenever I see her naiirita ko. May karapatan naman ako diba? I mean NILOKO nila kong dalawa.
Alam ko seryoso sakin si Alden. Ang ipinagtataka ko lang is bakit parang okay lang sa kanya na kaharap kaming dalawa ngayon. Hindi ba nakakailang?
"So buti nakasama ka ngayon?" Ako lang ba o sadyang iba ako kausapin ng babaeng to?
"She's working as my secretary and of course she's my girlfriend so I want her to be always at my side." Alden answered for me dahil siguro alam na niyang wala ako sa mood.
"Really? So tauhan mo na pala siya?"
"Not really. I don't treat her like that."
"Well, that would be unfair for your other employees."
"I don't care. Basta I don't want her to be treated like others because she's very special." Kita ko naman yung pag-irap ni Shai since nakaharap sakin si Alden.
"Psh. Bolero. Kumain ka na nga diyan."
"Kilig ka naman."
"Heh. Di kaya!"
"Di daw eh nangangamatis ka na diyan. Yieee. Kinikilig siya." Inaasar pa din niya ko. Sinubuan ko na lang siya bigla ng steak at dahil sa kabiglaan, natapon sa suit niya yung gravy.
"Sorry!" Kumukuha pa lang ako ng tissue paper ng may nakita na kong KAMAY na nagpupunas sa suit ng BOYFRIEND KO. Wow diba?
"Excuse me." Sabi ko sabay tabig ng kamay niya paalis. Uso mahiya diba? Mukhang na-offend naman siya pero I don't care. Dapat matuto siyang lumugar.
"Okay na babe. I'll just change later." Hinawakan niya yung kamay ko para pigilan na ko sa pagpunas.
"Kung hindi ba naman kase clumsy, edi sana walang naaagrabyado." Parinig ng babaeng inggit sa lovelife ko. Gusto ko na siyang patulan pero nagtimpi ako. Siyempre client pa din to ni Alden no.
Pinisil ni Alden yung kamay ko. Nginitian ko lang siya. "Why don't we start talking about the business." Sabi nito.
Nag-usap na sila about sa partnership ng kompanya nila. Yung company nila Shaira ay chains of bookstores and gusto nilang maging distributor ng published books nila Alden. Well, sa offer nila wala namang problema maliban na lang sa MADALAS na PAGKIKITA nilang dalawa.
"So it's a deal then?" Inilahad ni Alden yung kamay niya.
"Deal." Todo-ngiti naman si Shaira ng abutin ito. At wait, tama bang pinisil niya yung kamay ni Alden?!
Grrr. Landi! Agad namang bumitiw si Alden sa kanya.
"May meeting pa ba kayo?"
"Wala na."
"Great! Maybe you guys want to come with me? Chill naman tayo." Aya ni Shai. Yumuko na lang ako. Bahala si Alden diyan. Kapag yan pumayag, iiwan ko talaga siya.
"We'll love to accept your offer but Maine and I still have a date. Mahirap ng magtampo to." Inakbayan niya pa ko.
"Oo nga. Maybe we should do it some other time. For sure sasamahan ka naman ng boyfriend mo." Dagdag ko pa.
"Oh. I don't have a boyfriend. He's still commited and I'm still working on how to get him." She winked at me and looked at Alden. "I'm looking forward to see you ALWAYS Alden."
Si Alden ba ang tinutukoy niya?
BINABASA MO ANG
FAKE RELATIONSHIP, REAL FEELINGS (ALDUB) (Maiden) #Wattys2015 #TNTPanalo
Fiksi PenggemarHi everyone! This is an Aldub fanfiction :)