"You may now kiss the bride."
Am I too late?
Hindi ko maigalaw yung katawan ko. Late na ba talaga ko? Nagsisimula ng nagtubig yung mga mata ko.
Nagsisisi ako dahil umalis ako agad-agad.
Nasasaktan ako dahil wala na sakin yung taong mahal ko..
Nanghihinayang ako dahil kasal na sa iba ang taong mahal ko.
"Miss?" Natuon ang atensiyon ko sa altar. Nakatalikod sa akin si Alden at Shaira.
"Miss? May kailangan ka ba?" Doon ko lang napansin na ako na pala ang kinakausap ng pari. Nakalingon na din sa akin ang mga bisita. Well, binuksan ko lang naman ang saradong pintuan ng simbahan kanina. Paniguradong nasisilaw sila.
"Kung nagbabalak kang tumutol pa anak, wag mo ng tangkain. Dahil hindi na maaari." Napailing ako sa tinuran ng pari.
"Nooo." Umiiling kong sabi. "Hindi pwede.."
Nagsimula ng magbulung-bulungan ng mga tao pero wala akong pakialam.
Bahala na kung pag-uusapan nila ko.
Kung magmumukha akong katawa-tawa sa kanila, wala akong pakialam.
Bahala na kung anong isipin nila dahil ang importante sakin ngayon ay ang maipaglaban si Alden. May anak din siya sakin na dapat panagutan!
"Alden!" Malakas na sabi ko pero hindi siya lumilingon sakin. "Hindi ka na ba pwedeng umatras? Baka pwede pa. Andito na ko o." Pinupunasan ko yung mga luhang dumadaloy sa pisngi ko. "Sorry kung iniwan na naman kita. Tao lang din ako. Napapagod at nasasaktan. Kailangan ko munang makalimot at maglibang kaya ako umalis.." Tumigil ako sandali. Tahimik na tahimik ang buong simbahan. Ni isa walang nagtangkang magsalita.
"Pero eto ako ngayon o. Binabalikan ka.. Mahal na mahal kita Alden. Sana mahal mo pa din ako.." Nanatilinlang siyang nakatayo at hindi ako nililingon. Ganun din si Shaira.
"Dati iniwan kita dahil sa isang pagkakamali. At laking pasasalamat ko sa Diyos mg bigyan tayo ng panibagong pagkakataon para maiparamdam kung gaano natin kamahal ang isa't-isa. Pero dumating na naman si pagsubok para guluhin ang ating tahimik na mundo.. mabigyan pa kaya tayo nag panibagong chance para ayusin to? O aalis na tayo sa buhay ng bawat isa?" Naiiyak na tanong ko.
"Mahal na mahal kita Alden.. Sana ako pa din ang piliin mo. Ako na lang please. Ako pa rin.. Ako na lang ulit.." Dito hindi ko na napigilang humagulgol sa harap ng maraming tao.
"Mawalang galang na anak ha? Ako'y nalulungkot sa narinig mula sayo. Alam kong ikaw ay labis na nasasaktan pero ang Panginoon ay nakikidalamhati sa iyo. Hindi ka niya bibigyan ng ganyang pagsubok kung alam niyang hindi mo ito makakaya. Magtiwala ka lang sa kanya at paniguradong malalampasan mo ito. Patatatagin ka ng panahon. Pero ang pangalang binabanggit mo ay Alden? Sino ba siya iha?" Naguguluhan akong napatingin sa paring nagsasalita.
"Yung taong ikinakasal niyo po.." Wala sa sariling sagot ko.
"Hindi Alden ang pangalan niya iha-" Dahan-dahang humarap sa akin ang groom.
"CARL?!" Napasigaw na tanong ko.
"Oh Maine." Ngumisi siya sakin. "Anong ginagawa mo sa kasal ko?"
"Kasal mo?!" Ano daw? Wala akong naiintindihan!
"Oo. Kasal namin ni Claire." Inakbayan niya pa yung asawa niya.
"Naguguluhan ako.." Napahawak na ko sa ulo ko. Wala akong naiintindihan sa nangyayare tapos nahihilo pa ko. Ugh!
Gutom at pagod to. Naramdaman ko pang sumipa ang baby sa tiyan ko kaya napahawak ako dito. Stay calm baby.
"Ano ba talagang nangyayare? Sabi nila Joan kasal daw nila Shaira at Alden ngayon kaya nagmamadali akong-"
"Bakit hindi na lang kaya siya ang tanungin mo?" Sabi ni Carl habang nakaturo sa likuran ko.
Dahan-dahan akong lumingon only to seem him there.
Smiling widely at me.
"Alden.." I said then everything went black.
***
Maiden na ba ulit? Hihi.
BINABASA MO ANG
FAKE RELATIONSHIP, REAL FEELINGS (ALDUB) (Maiden) #Wattys2015 #TNTPanalo
FanficHi everyone! This is an Aldub fanfiction :)