"Ano ba Maine. Kanina ka pa ngawa ng ngawa diyan! Tama na nga!" Kanina pa naiinis sakin si Joan pero ano bang gagawin ko? I'm hurt. "Papayag kang ikasal sa iba tapos iiyak-iyak ka naman ngayon. Ano ba talagang gusto mo ha babae?"
"Gusto ko kami ang ikasal ni Alden. Huhu."
"Eh bakit ka pa kase pumayag na ikasal sila?"
"Para matigil na ang gulo."
"Tingin mo ba natigil na ha? Oh asan na yang Alden mo ngayon?"
Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko alam."
"Alam ba niyang nandito ka sa bahay?"
"Tinext ko siya pero hindi naman nagrereply e."
"Oh ayan na nag-enjoy na dun sa reception. Nakalimutan ka na tuloy. Tsk. Tigilan mo na nga yang pag-iyak mo. Nakakainis ka na e. Nasa labas lang ako pag kailangan mo ko." Sabi niya tsaka siya lumabas ng kwartong tinutuluyan ko.
I grabbed my phone and tried to contact him pero ring lang to ng ring.
Maybe he really enjoyed Shaira's company.
***
Naalimpungatan ako dahil sa feeling na may mabigat na nakadagan sa may hita ko. Hmm. Baka si Joan, tinabihan ako. Di naman nakakatiis yun e.
Kinapa ko yung phone ko sa bedside table para i-check kung anong time na. 4am pa lang? Maaga pa pala, I can sleep ulit after I pee.
I tried to remove her legs pero di ko mabuhat. Huhu. Ang bigat naman ni Joan!
"Uy." Sabi ko pero wait. Hindi si Joan to ah. Si Alden!
"Good morning babe." Sabi niya. Gising naman pala nagtutulug-tulugan lang. Hmp.
"Good morning your face." I said. "Alisin mo nga yang binti mong mabigat!"
"Aga-aga ang sungit-sungit naman po." Nakangusong sabi niya.
"Ewan ko sayo. Bakit ka ba andito ha?''
"Kase po andito yung girlfriend ko."
"Nandito nga girlfriend mo pero asawa mo naman nasa kabilang bahay." Sinamaan ko siya ng tingin. "Oh kamusta ang buhay may asawa?"
"Mabuti naman. Masaya." Lalo ko tinaliman ang mga titig ko sa kanya. Gagong to. Ang sarap hanbalusin. Tama ba namang sabihin sakin na masaya siya? Aba sige. Magsama silang dalawa.
"Lumayas ka na nga dito!" Bulyaw ko sa kanya.
"Masaya kahit na napakasungit niya. Kahit na parang bata kung maglihi."
"Layas!"
"Pero masaya talaga ko dahil finally tatay na ko. At iniintindi ko naman siya dahil alam kong mahirap ang magbuntis."
"Naranasan mo na ba ha?" Uh. Hormones ko bakit ba galit na galit kayo kay Alden. Huhu.
"Okay lang kahit taray-tarayan niya ko. Hindi ako susuko." Ngumiti pa siya pero ako ito umuusok na ang ilong ko sa inis. Badtrip!
"Alam mo bang mahal na mahal ko siya?" Wow. Kaya naman pala nagpakasal din e, dahil mahal na niya si Shaira?
"Magsama kayong dalawa!" Umurong na ata yung ihi ko kaya humiga na lang ako at nagtalukbong ng kumot.
"Alam mo bang gustong-gusto ko siyang halikan?" Ahhhhh! Bakit ba kailangang ulit-ulitin pa? Gets ko naman na a. Ang sakit na nga e.
"Edi halikan m-" Waaaah. When I removed my blanket, he kissed me!
"Alam mo bang miss na miss ko siya? After the wedding ceremony siya agad ang hinanap ko kaso wala siya e. Umalis daw. Di man lang nagpaalam." Wait. Ako yung tinutukoy niya? Waaaah! Kinikilig ako. :""")
"Eh bakit di ka man lang nagtext?" Okay. Sige push mo yan Maine. Kunwari galit ka pa din.
"Hindi ko mahanap yung phone ko kaya hindi ko man lang siya natext o natawagan."
"Pero inaantay ka niya."
"Alam ko naman yun e. Kaya nga gusto kong mag-sorry sa kanya. Hindi kase ako makaalis agad dahil madaming tao ang dumalo. Kailangan silang asikasuhin. Tingin mo kaya, paano ako makakabawi sa kanya?" Jusko. Natutunaw po ang puso ko. Titig na titig kase sakin si Alden e.
"Sa tingin ko, dapat mo siyang bilhan ng tapsilog." Ngumisi siya sakin. Patay ka sakin Alden. Nagca-crave ako e.
"Ano yun?" Tanong niya.
"Yung tapa with egg plus fried rice."
"Eh? Di ba pwedeng kiss na lang?" Pa-cute na sabi niya.
"No kiss kapag walang tapsilog. And gutom na kami ni baby o." Hinawakan ko panyung tiyan ko with paawa effect.
"Okay-okay. Get dress. Gisingin na din natin sila Joan. Si Matt asan? Breakfast na din tayo then may pupuntahan tayo."
"Saan?"
"Basta babe." Dumiretso siya sa may cabinet ko. Buti na lang may naiwan pa akong damit dito sa bahay namin ni Joan kaso di na kasya. Kaya jacket na lang ni Alden yung pinagamit niya sakin. "Paalala mo nga sakin that we need to buy clothes for you." He kissed me on my forehead.
"Okay." I smiled. Sinuot ko na yung jacket niya. Siya naman nag-suot na ng pants and shirt.
"I love you." I said.
"I love you too babe." He gave me a peck on my lips.
"Whoooo! Tapsilog here I come!" Sigaw ko pero tinawanan lang niya ko.
Sana palaging ganito. Kahit simpleng buhay, basta kasama ko siya, masayang-masaya na ko.
BINABASA MO ANG
FAKE RELATIONSHIP, REAL FEELINGS (ALDUB) (Maiden) #Wattys2015 #TNTPanalo
FanficHi everyone! This is an Aldub fanfiction :)