FRRF 1

6.5K 181 9
                                    

Chapter 1

"Ang tampuhin talaga ng baby ko.." Bigla akong nakaramdam ng dalawang brasong pumulupot sa bewang ko. "Wag ka ng magtampo baby. I love you." Bulong niya sa tenga ko na ikinataas ng balahibo ko.

Grabe pa rin yung kilig na nararamdaman ko sa kanya kahit magi-isang taon na yung relasyon namin.

We were in second year college when he started to court me. Nakilala ko siya dahil sa isang event sa school.

Lahat ng first years students sa school namin noon, ay dinala sa napakalaking quadrangle habang naka-blindfold. Sinabihan nila kami na maglakad ng dahan-dahan habang may tunutugtog na kanta. At the end of the song, kung sino man ang taong mahatak namin ay makakabonding namin for a day. It's one of the school's way sa getting to know each other.

Kahit na may mga nakakabanggaan kami, it was fun. Exciting siya since hindi namin alam kung sino ang mababangga namin.

At siyempre-siyempre si Alden ang nakabangga ko.

Naging super close kami dahil nagkataon naman na blockmates din kami. To end the story short, hindi maiiwasan sa magka-ibigan ang magkamabutihan.

We were friends for a year. Then 1 year ligawan. At ngayon nga almost 1 year na din ang relationship namin.

Haaaay. Ang sarap ma-inlove!

"Baby? Di ka na umimik diyan. Tampo pa din?" Nakapatong yung baba niya sa balikat ko kaya nakikiliti ako pag nagsasalita siya.

"Di na po." Sabi ko ng humarap ako sa kanya.

"Promise? Wag ka ng magtampo ha. Nakita mo naman diba? Hindi ko pinansin si Diana. Kahit na anong pagpapapansin ang gawin niya, o kahit na ibang sexy at magandang babae pa yan, lagi mong tatandaan na ikaw lang. Ikaw lang kanina, ngayon, at bukas. Ikaw lang ang tanging babae na mamahalin ko. You are my forever Maine. I love you." Hindi ko alam pero naiiyak ako. Siguro sa tuwa? Sa kilig? Sa saya na nararamdaman ng puso ko ngayon.

"I love you too Alden. Wag mo kong pagpapalit ha?" Nakanguso pero humihikbing sabi ko.

"Ikaw lang. Wala ng iba." Then he sealed it with a kiss.

"HOY BABAE! HAPON NA NANAGINIP KA PA DIN NG GISING DIYAN? TAMA NA YANG PANGANGARAP MO!"

"ANG INGAY MO NAMAN JOAN!" Ganting sigaw ko sa bestfriend/apartmentmate/kapatid sa ibang magulang ko.

"Eh pano ba naman Maine kanina pa ko katok ng katok dito deadma ka naman. Eh halos masira na yun pintuan mo e. Ano inaalala mo na naman si Alden na ex mo na gwapo na mabait na ka-forever mo sa pangarap na niloko at iniwan ka lang naman!"

"Di ko na iniisip yung lalaking yun no."

"Hindi mo nga iniisip pano nakatatak na siya diyan sa puso mo."

"Ewan ko sayo Joan. Tapos na kami okay."

"Andun na ko. Tapos na nga yung relasyon niyo pero yang puso at isip mo hindi pa tapos magpakatanga para sa kanya. Alam ko naman na kahit anong pagpipilit mong kunwaring move-on ka na sa kanya, alam ko namang hindi pa talaga. Tsk. Oh." Sabay hagis sakin ng folder na alam ko na agad ang laman. "Kung iiwasan mo na yang pagka-bitter mo, baka sakaling may pumasa ka ng manuscript."

The heck?! 10th time ko ng manuscript submission to a? Parang nananadya na lang yung publishing house na yun? Masugod nga!

"Sang giyera lakad natin Maine?" Tanong sakin ng naglulutong si Joan.

"Sa publishing house!"

"Sus wag na nga Maine. Yang mga istoryang sinusulat mo parang love life mo kase."

"Di ko gets."

"Hanggang papel na lang! HAHAHA. Joke lang. Mwa mwa byeee!"

Walangya talaga tong bestfriend ko. Supportive no? Psh.

Magtutuos talaga kami kung sino man may-ari ng sikat na publishing house na yun.

***

Done with chapter 1! :) Okay or hindi? :)

FAKE RELATIONSHIP, REAL FEELINGS (ALDUB) (Maiden) #Wattys2015 #TNTPanaloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon