FRRF 4

3.8K 151 9
                                    


"Gising na!!!"

"Tulog mantika ka pa rin pala hanggang ngayon?"

"Di ka na nagbago. Gising na o."

Ano ba yung ingay na yun? Nananaginip ba ko?

"SUNOOOOOOOOOG!"

"WAAAAAH! ASAN! ASAN ANG SUNOG?!" Napabalikwas ako ng bangon sa nadinig.

"HAHAHAHA. WHAHAHAHAHAHA. Kung nakita mo lang yung itsura mo.. HAHAHAHAHA. That was priceless!" Napapapunas pa siya ng luha sa sobrang saya niya.

"Ugh!" Binato ko sa kanya yung pillow na yakap-yakap ko. "Asshole!" I hissed. "Napaka mo talaga!" Pinaghahampas ko pa siya ng kumot ko.

"Aray! Tama na. Stop it babe."

"Babe mo mukha mo! That was not a good joke!" Galit na sigaw ko kasabay ng pagpatak ng luha ko. Mukhang nagulat naman siya at napatigil. "That was not funny." Sabi ko bago tuluyang napaupo at napahagulgol.

"Hey. Biro lang naman yun okay?" Lumapit na siya sakin pero di ko pa fin napigilan yung pag-iyak.

"Biro? Lahat naman sayo biro e! But for me? That was the worst nightmare I ever had! Yun yung gabing hinding-hindi ko makakalimutan dahil nawala ang pinakamamahal kong daddy because of that!"

"What? I don't understand Maine." Niyakap na niya ko kahit halatang naguguluhan pa din siya.

"M-my.. My father died dahil sa sunog. I was sleeping back then, gaya ng sinabi ni Alden, tulog mantika daw ako kaya hindi ko narinig yung sigawan sa bahay na may sunog pala. Akala daw nila nakalabas na lahat ng bahay but my dad found out na naiwan ako sa loob. Without hesitations, he came back for me. Pero nasawi siya. Malaki na yung sunog pero sa kagustuhan niyang maligtas ako, gumawa siya ng paraan para nakalabas ako kahit na ang maging kapalit nito ay ang buhay niya." Sobrang sakit para sakin na maalala pa ito.

Sobrang sakit. Nangyari to a week after our break-up. No one shared my tears. No one shared my pain. No one shared my sleepless nights except for Joan. Kaya right after that incident, I moved in with her.

Hindi rin naman ako hinanap ng family ko or something. Sobrang aloof ng mom ko sakin sa kadahilanang hindi ko alam. Kaya siguro balewala lang sa kanila nung umalis ako.

"I-i didn't know Maine.. I'm sorry.." Alden hugged me tight para tuloy nawala yung binibitbit kong sama ng loob. I also felt his kiss on my hair.

It feels like my Alden is back.

Not for good..

But just for three months..

That's why I need to make sure that I will not fall in love with him.... AGAIN.

Nang mahimasmasan na ko, umalis na ko sa pagkakayakap niya.

"Ano ba kaseng ginagawa mo sa room ko?"

"Room mo? Para ipaalala ko sayo, pad ko to. And so this is my room." Di na siya sweet. Psh.

"Fine. What are you doing in my borrowed room?" Gigil na naman ako sa kanya. Kanina lang feeling girlfriend na ko e. Panira talaga. "Ano ba kaseng meron?"

Napatigil naman siya sandali at tumayo. Pumunta sa gilid ng room. Hindi ko siya makita since may wall kaseng nakatakip sa pinuntahan niya.

"Good morning babe.." Todo smile with matching flowers and breakfast pa niyang sabi.

Ehmeygehd. My heartttttt. Kinikilig akoooo!

"Para san yan?" Pagtataray ko kahit na parang sasabog na yung loob ko.

"May I court you Ms. Maine Mendoza?" Jusko. Killer smile mga bruhaaa!

Alam kong nagpapanggap lang siya pero bakit parang yung nararamdaman ko, totoo na?

"Ha? Bakit mo naman ako liligawan?" Pagsakay ko sa 'SEMINAR' na sinalihan ko.

"Tinatanong pa ba yan? Siyempre I love you Maine." Umupo siya sa gilid ng bed. "I want to court you because I want you in my life. Yung akin lang. Exclusive for Alden kumbaga. Sana bigyan mo ko ng chance to prove that I am worthy of your love. So may I ask you again, can I court you?"

Waaaaah! Naluluha ako!!! Dapat ko bang pigilan?

Pupunasan ko na sana yung luha ko ng maalala kong dapat magpakatotoo lang ako. Para san pa ba tong seminar na to king di ko mararamdaman yung nga ganitong moments diba? I mean kaya ko nga pinasukan to is to be a better writer. Experience is the best teacher right?

"So? Mahirap paghintayin ang gwapo." Yabang talaga neto.

"No."

"No? Liligawan pa lang kita, basted na agad?"

"Hihi. Joke lang. Oo naman. Court lang pala e. Pero dapat sport ka pag hindi kita sinagot ha? Siyempre andiyan si John, si Carl, si Matthew, si Earl, si Joshua, si Marc, sino pa ba yung iba?"

"Who the hell are they?!"

"My suitors." Ngumiti pa ko ng todo sa kanya.

"Your what? Are you kidding me Maine! Ako lang dapat. Ako lang."

"Ligaw pa lang possessive na? Sige basted ka na." Sabi ko sabay ngiti ng nakakaloko.

"Ganun?" Tipid na sagot niya.

"Yes."

"Okay. Pakiayos na lang ng kwartong ito kapag aalis ka na. Bye."

Shems! Personalan na to ah?

"Joke lang naman e. Osiya pwede ka ng manligaw. Sa isang kondisyon." Tumaas lang yung kilay ni Alden. Sarap hatakin e. "Basta ba wag mo kong sasaktan."

"Oo naman Maine. I promise not to hurt you. I love you." Sana totoo na lang to. Sana. Inipit niya yung buhok ko sa likod ng tenga ko. "I love you.."

Unti-unti ng lumalapit yung labi niya sa akin. "Hep! Nanliligaw ka pa lang!" Pigil ko sa kanya.

"Akala ko makakalusot na." He grinned. "Mag-ready ka na. Date tayo." Saka niya ko hinatak patayo.

FAKE RELATIONSHIP, REAL FEELINGS (ALDUB) (Maiden) #Wattys2015 #TNTPanaloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon