I still can't believe on what happen. We just want to reveal the truth pero we didn't expect to have a tragedy.
Nakakalungkot lang isipin na nangyare pa yung ganun. Pwede naman sana kami na nag-usap-usap ng maayos. Yung wala ng nasaktan pa.
"Maine. Room 301 daw." Tumango ako kay Joan. Kakadating lang namin ng hospital at bibisitahin namin si Shai.
After ng lahat ng nangyare, wala akong makapang galit sa puso ko. She's still my friend at higit sa lahat tao lang siya. Nagkakamali. At tao lang din naman ako. Dapat magpatawad.
''Oh girl ikaw munang pumasok. Alam kong madami kayong dapat pag-usapan." Kumindat pa sakin si Joan. I mouthed 'thank you' before knocking.
Tahimik na tahimik yung kwarto niya. Walang ibang tao dun maliban kay Shaira nakahiga at tulala.
Umupo ako sa upuan malapit sa bed niya at tinitigan siya.
"Hindi mo ba ko sasabunutan?" Mahinang tanong niya.
"Hindi."
"Hindi mo ba ko mumurahin?"
"Hindi."
"Hindi mo ba ko aawayin?"
"Hindi."
"Hindi ka ba galit sakin?" Tanong niya ulit.
"Naiinis ako sayo. Pero galit? Wala akong makapa e." Naiiyak na sabi ko.
Natahimik kami parehas.
"I-i lost my child Maine.." Humahagulgol na sumbong niya sakin. Agad ko siyang tinabihan at niyakap. "I lost my child." Umiiyak na ulit niya. "Ni hindi ko man lang siya nakita.. o nahawakan man lang... ni hindi ko man lang nalaman kung babae ba siya o lalaki..." I tapped her back. "Kasalanan ko to e. Kasalanan ko to... Parusa to sa lahat ng kalokohang ginagawa ko. Ang sama-sama ko..."
"Hush. Hindi ka masama Shaira. Hindi."
"Noo. It's all my fault. Sinira ko kayong dalawa ni Alden. Ang sama-sama kong tao. Pero ikaw tignan mo, nandito ka pa din aa tabi ko. Kahit na andami ko ng nagawa sayong masama hindi ka pa din nagalit sakin. Hindi mo pa din ako iniwan."
"Hindi ka masama Shaira. Yan ang palagi mong tandaan. Sometimes our actions make us the bad person other peoplw hate. Pero ang hindi nila alam, nagagawa natin yung mga ganun is because of how and what we really feel. If you feel alone, ang tendency nun is to look for some attention from someone. Lahat gagawin mo para lang makuha yung gusto mo kahit na minsan nakakasama na yun sa iba." I wiped her tears away. Hinawi ko na din yung buhok na kumalat sa mukha niya.
"Thank you." She hugged me tight. After a while, bumitiw din siya. "I'm sorry for everything Maine. I'm really sorry. Nainggit ako sayo. Sa kung paano ka alagaan ni Alden, on how he treated you, at kung gaano ka niya kamahal. Pinilit kong makuha si Alden dahil umaasa ako na mabibigyan niya ako ng atensiyon. Na mamahalin at aalagaan niya din ako na parang ikaw." Aww. Hearing her side, makes me cry. I know I should get mad at her, but I just can't. I know how hurt she is too.
Ako naman ang yumakap sa kanya. "Kalimutan na natin yun. Your sorry is enough for me. Diyos nga nagpapatawad, ako pa kaya na tao lang? All of us make mistakes, at ipinagkaiba lang ay yung ibang tao marunong humingi ng tawad. Masaya na kong nagkaayos tayo ngayon." Lalo siyang umiyak sa balikat ko.
"I'm very lucky to have you as my friend. Sobrang swerte din ni Alden sayo." Sabi naman nito. Bumitaw na kami sa pagkakayakap.
"Swerte din si Clark sayo." Sabi ko sabay kindat sa kanya aba't ang loka, namula? "Ayieee. Kay Clark naman pala siya inlove." Pang-aasar ko sa kanya.
"Ewan ko ba. But this past few days, palagi ko siyang naiisip. Kinakabahan ako kapag malapit siya sakin. Basta kahit sandaling panahon lang na nagkakasama kami, iba sa pakiramdam. Parang ang saya-saya."
"Edi good. Patay na patay kaya sayo yun."
"I doubt that. Kung oo pwede pa. Pero ngayon? After what happened? Malabo na siguro yun."
"Shh. Ito." Tinuro ko yung dibdib niya. "Kapag nagmahal, kahit ilang beses ng masaktan, nagfu-function pa din lalo na kapag totoong pagmamahal ang nararamdaman."
She smiled at me. Yung sincere. Yung totong-totoo. Yung smile ng dati kong kaibigan. "Salamat ng maraming-marami Maine."
"You're always welcome." I handed my pinky finger. "Friends?"
"Again. Mula noon hanggang ngayon." Idinikit na niya sakin yung pinky finger.
''HOY SALI NAMAN AKO DIYAN!" At doon na napuno ng masayang tawanan ang buong kwarto ni Shaira pagkapasok ni Joan.
***
Last chapter then epilogue. :( Thank you for waiting for my update guys. Kakalabas ko lang po ng hospital so patience pa po. Mapopost ko din agad yung 2 pang chapters. Mwamwa guys! :*
BINABASA MO ANG
FAKE RELATIONSHIP, REAL FEELINGS (ALDUB) (Maiden) #Wattys2015 #TNTPanalo
FanficHi everyone! This is an Aldub fanfiction :)