"San ba kase tayo pupunta Alden?""Diyan lang babe."
"Puro ka naman diyan e. Feeling ko mahigit isang oras na tayong bumibiyahe tapos diyan lang?" Pagkagising ko kanina may maliit akong bag na naka-ready. Tapos may nakahanda din akong damit na isusuot. Ng tanungin ko naman siya kung saan ang lakad namin, basta daw. Tsk.
"Bakit ba ang impatient ng babe ko? Wait lang po. Malapit na malapit na tayo." Hinawakan niya pa yung kamay ko. "And please don't ever remove that blindfold of yours." Yes. Tama po kayo ng nabasa. Simula nung bumiyahe kami, nilagyan na niya ko ng blindfold. Kaya nga di ko kinakausap yan e.
Hindi ko na lang ulit siya kinibo. Bahala siya diyan.
"Babe."
".."
"Babe." Naramdaman kong pumarada na yung sinasakyan namin. "Look, I'm sorry kung di ko sinasabi sayo kung saan tayo pupunta. It's just that it would not be a surprise anymore if I tell you about it." Hinawakan niya yung kamay ko at hinalikan ito. "Wag ka ng magtampo diyan babe." He kissed me on my lips. "I love you." Inalis na niya yung seatbelt ko. "We're here. Wait okay."
Pagkalipas ng ilang segundo, bumukas na yung car door sa side ko. Inalalayan na niya kong bumaba since wala talaga kong makita maliban sa madilim.
Ihinarap niya ko sa isang side. Nasa likuran ko siya. "Ready babe?" Bulong niya sa tenga ko. Shems. Nakikiliti ako!
Bahagya akong tumango. Dahan-dahan na niyang inalis yung blindfold ko and I was so shocked with what I saw.
Picture ni Alden at Shaira na naghahalikan?! What the heck?!
Charot.
There is a huge house infront of me..
"You liked it babe?" He asked after a while.
"I-it's so beautiful. Who own this house babe?" Hindi tumitinging tanong ko sa kanya.
"Last time I checked this property is owned by Ms. Maine Mendoza." Napatingin ako bigla sa kanya at nakangiti siya.
"Stop fooling around Mr. Richards! Paano naman nagiging akin to e hindi naman ako mayaman. Isa pa wala namang magbibigay sakin ng ganito kagandang bahay tapos-"
"Hindi ba pwedeng binili to ng gwapo mong boyfriend para sayo?" Putol niya sa litanya ko.
"You're kidding right?"
"Why would I?" Napayakap ako bigla sa kanya.
"Totoo bang akin to?" Di pa rin ako makapaniwala. Akin tong mansiyon na to?
"Yes babe. Sayong-sayo."
"Pero bakit mo ko binilan nito? This is too much. I don't deserve it."
Bumitiw siya sa yakap ko. "You deserve everything in this world babe. Walang magarang sasakyan, malaking bahay, o napakaraming pera ang hihigit pa sayo." Naluha na naman ako. Simula nung nagbuntis ako, mas naging emotional ako.
And wait, di pa nga pala niya alam na buntis ako. I was looking for a perfect timing to tell him that I'm pregnant and mukhang ito na ata ang magandang pagkakataon.
"Come let's go inside." Hinatak na niya ko papasok. Mamaya ko na lang siguro sasabihin. Nae-excite din akong maikot yung buong bahay e.
"Hindi ko pa to nilalagyan ng furnitures kase gusto ko yung mga gusto mo ang masusunod. Magpapatawag na lang ako ng decorator para may katulong ka sa pag-aayos. Tapos pwede pa nating ipabago yung ibang structures dito kung may ayaw ka. Or kung may gusto kang papalitan pwede pa naman basta sabihin mo lang sakin." Iniikot namin ang buong first floor at hindi talaga ko makapagsalita!
Kahit wala pa tong mga gamit, it looks perfect.
Umakyat kami sa glass na hagdan. Feeling kon tuloy ako si Cinderella e. Ano daw? Haha.
"This would be our room."
"Wow.." Yan lang ang tanging nasambit ko.
"As you can see babe may bed na siya. It's a King size bed that I ordered from California." Hinawakan ko yung bed. Ang lambot! Gahd. Ang laki-laki pa niya. "But if you don't like it, we can still change it naman."
"No need. It's perfect." I said smiling.
He smiled back. "Good." Itinayo na niya ko. "Ito naman yung comfort room natin."
"Seriously? Eh kasya na ata ang kama dito e?"
"Pwede rin naman tayong maglagay ng loo kung gusto mo." Sabi niya sabay kindat.
Nag-init tuloy yung pisngi ko. "Loko!" Nilibot ko na lang yung CR. May jacuzzi na din sa loob! O.o "Ano meron dito?" Turo ko dun sa isang pintuan malapit sa CR.
"Connecting room to babe."
"Anong room yung nandiyan?"
"Yan ang magiging room ng baby natin babe. Gusto ko kapag nagakaanak na tayo, diyan siya matutulog para malapit lang sa atin." Napangiti ako sa sinabi niya.
"May anak ka naman na babe e." Sinamaan niya ko ng tingin.
"Look babe. Nag-sorry na ko diba? Hindi ko naman talaga sinasadya na mabuntis si Shaira e. Hindi ko naman pinlano na pag gising ko isang umaga katabi ko na siya tapos-"
"Shhhh." I put my finger on his lips and grab is right hand.
Dahan-dahan kong ipinatong iyon sa nagsisimulang umumbok na tiyan ko.
"I'm beariny your child Alden." Natulala siya sa sinabi ko. "Huy!" Untag ko sa kanya pero tulala pa din. "Aba mahipan ka ng hangin diyan at matakot na lang sayo ang anak mo."
"Tell me you're kidding babe." Sabi niya ng makabawi sa pagkabigla.
"Why would I mister?" Panggagaya ko sa kanya.
Bigla niyang kong binuhat kaya napatili ako! "Ano ba! Nakakagulat ka naman e."
"Hindi mo alam kung gaano mo ko napasaya Maine. DADDY NA KOOOOO!" Nagsisisigaw na sabi niya.
"Daddy ka naman talaga e." Sinamaan niya ulit ako ng tingin. "Hihi. Peace. Joke lang po babe."
"I love you so much babe. Thank you for giving me another reason to fall harder for you. I promise to take care and love you both." I snake my arms around his neck.
"I love you too babe. Kasama mo ko sa lahat ng pagsubok na dadating sa buhay mo. Hinding-hindi na kita iiwan." He just smiled and kissed me.
BINABASA MO ANG
FAKE RELATIONSHIP, REAL FEELINGS (ALDUB) (Maiden) #Wattys2015 #TNTPanalo
FanficHi everyone! This is an Aldub fanfiction :)