KrisJoy Side
Joyce' POV
Pumayag na akong kausapin si Kris, hindi ko din naman sya matitiis eh. Andito na kami sa park ng school kung saan kami madalas tumambay ng barkada, huminto na ako at hinarap ko sya.
Kris: Joyce sa totoo lang hindi ko talaga alam kung pano ko sisimulan to, kung ano yung sasabihin ko….pero naisip ko, isa lang naman ang dapat kong gawin…..ang maging honest sa'yo…
At nakwento na nga nya sa'kin lahat ng nangyari, mas naiintindihan ko na ngayon yung nangyari. Sana pala hindi ako nagpadala sa galit at selos? Oo na nagseselos na talaga ko, mahal ko nga di ba? Kayo kaya makita nyo yung mahal nyong may kayakap na iba ewan ko na lang talaga kung matuwa kayo.
Kris: sorry Joyce, promise ko sa'yo hindi na mauulit yun, hindi na talaga ko magpapayakap sa kahit sino….sa'yo lang. Tapos nagsmile sya nakooo dapat lang sa'kin lang sya magpahug noh hihi
Joyce: sorry din ha! Nabigla lang naman din ako ehh. Ngumisi ang loko ano na naman kya naiisip ng lokong to.
Kris: ngayon ko lang napatunayan na selosa pala ang bebe girl ko. Bigla naman syang umakbay sa akin ang gawpo talaga ng future boyfie ko ihhh kilig much
Kris: tara na bebe girl puntahan na natin si Josh baka naiinip na yun kakahintay sa atin. Oo nga noh naiwan nga pala namin si Josh kasama sila Ate at……OMG si Barbie PATAY naaaaa….
Joyce: O MY!!! Bilisan natin Kris… nagmadali na kong maglakad ng mapansin kong napahinto si Kris,lumingon ako sa kanya at nakita ko sa mata nya na parang nagtataka sa kilos ko.
Joyce: oh!!ano pang tinatayo tayo mo dyan? Tara na nga mamaya ko na lang ipapaliwanag sayo. Hinatak ko na sya papunta sa room namin kasi malapit na rin mag time eh sana lang talaga hindi nagkainitan yung dalawang yun.
Kris's POV
Ang weird naman ni Joyce,bigla na lang syang nagmadali nung sinabi kong naiwan si Josh! Haaaayyy hayaan na nga. Andito na kami sa class room namin,nakita ko agad si Josh,aba tulala ang loko at parang pinagsakluban ng langit at lupa ang muka…
Joyce: JOSH!!
Kris: ohh bro ano namang klaseng muka yan,byernes santo agad yung muka mo ang aga aga. Parang may mali eh ano kayang problema ni Josh at etong si Joyce sa sobrang pagmamadali ayan hinihingal…
Joshua: ohh mukang ok na kayo ahh!buti pa kayo… Ha?? Ano naman kayang ibig sabihin ng lokong to?
Joyce: tsk tsk sabi ko na nga ba! Ano Josh nagkausap ba kayo ni Barbz?
Joshua: oo? Siguro? Kung usap ang matatawag mo dun.
Kris: teka nga hindi ko magets ano ba kasi problema Josh? Ngumiti lang si Josh ng parang pilit.
Joyce: teka Josh hindi ka naman nya tinawag sa buong pangalan mo di ba hindi naman nya ginawa yun di ba?
Joshua: ginawa nya yun.. Sus eh ano naman kayang masama dun,eh kung pinapaliwanag kaya nila sa akin para maintindihan ko.
Joyce: ANO???? Teka Josh alam mo na ba kung ano ibig sabihin nun?
Joshua: oo,nasabi na ni Bea sa'kin.
Kris: teka lang ahh!pwedi pasingit? Hindi ko kasi kayo maintindihan eh.
Joyce: haaaayyy mahabang kwento pero to make it short galit talaga si Barbz kay Josh at yung tungkol sa pagtawag sa kanya ni Barbs by full name isa lang naman ibig sabihin nun……na hindi na kaibigan ang turing sa kanya ni Barbz..
Kris: ano? Teka ano naman ang dahilan ni Barbie para magalit ng ganun kay Josh? Parang wala naman kasi akong makitang dahilan para magalit sya.
Joshua: kahit ako bro hindi ko alam kung bakit parang ang laki ng galit nya sa'kin.labo noh?
BINABASA MO ANG
TWEENS: CAN THIS BE LOVE
FanfictionIsang grupo ng magkakaibigan ang susubuking sirain ang tiwala sa isa't isa. Alamin natin kung hanggang saan ang tatag nila sa pagharap sa bawat pagsubok na darating sa kanila.