Sleep Over

639 12 2
                                    

Joshua's POV

                Napapangiti na lang ako habang nagdadrive, priceless talaga yung mga ngiti ni Barbie. Mas lalo syang gumaganda pag nakangiti sya. Aaminin ko sa inyo, at first I'm not really attracted to her, kasi hindi naman talaga maganda yung first impression ko sa kanya. Kung titignan kasi sya, parang ang sungit nya, yung tipong hindi marunong makipag kaibigan pero, nagbago lahat yun nung napapadalas na yung pagsasama namin.

*

       Hindi ko napansin na nasa tapat na pala ko ng bahay nila Bea, kasunod ko lang naman sila Kris at Jake kaya hinintay ko na lang sila, mas nauna dumating si Bea kaya for sure nasa loob na yun.

Joyce: oh, Josh bakit andito ka pa?

Joshua: hinintay ko pa kayo eh. Nakita ko naman bumaba si Barbie, nagkatinginan kami tapos nagsmile ako sa kanya, napaiwas naman sya ng tingin. Pero hindi nawala sa paningin ko na napangiti din sya.

Joyce: achu chu. Mamaya na yang ngitian na yan, Josh paki buksan yung gate para maipark nyo na yung mga car nyo sa loob.

Joshua: masusunod madam. With salute pa yan.

Joyce: puro ka kalokohan talaga ehh.

Barbie: bebz mauna na ko sa loob ha! Tatawag pa kasi ako sa bahay para magpahatid ng damit. With that pumasok na si Barbie sa loob. Ako naman binuksan ko na yung gate para makapagpark na si Kris sa loob tapos yung car ko naman.

Joshua: teka bro, bakit wala pa si Jake? Napansin ko kasi, kanina lang kasunod namin sya tapos biglang nawala.

Kris: ahh nagtext lang sya sa'kin na susunod na lang sya eh. Kukuha pa yata ng gamit sa kanila.

Joyce: UYY mag-uusap na lang ba kayo dyan? Pumasok na kaya kayo. Sigaw ni Joyce sa amin mula sa pinto ng bahay nila. Kaya naman pumasok na kami ni Kris.

              Pag pasok namin sa loob napansin kong si Joyce at Barbie lang ang nakaupo sa sofa, wala si Bea.

Joyce: upo na kayo. Feel at home ah! Nga pala si ate nasa kusina, wala kasi si mama kaya si ate cook ngayon.

Joshua: wala kayong maid?

Joyce: wala, mermaid meron maid wala hahaha.

Barbie: wag kayong mag-alala kasi magaling magluto yung bhezy ko kaya hindi kayo malalason sa ipapakain nya. Aba! Nagsasalita na din si Barbie. Okay to. At least hindi sya tahimik pag kasama ako, mas nakakailang kasi yun eh.

Joyce: oo nga naman. Ayy guys tara dun sa garden. Dun na lang muna tayo. Bebz, mauna na kayo dun, kukuha lang ako ng snacks natin. Then nagpunta na kami sa garden nila Joyce. Ang ganda ng garden nila, may swing na malaki na may table sa gitna, tatlong side nung swing yung may upuan then yung isang side dun yung pinaka daan. Good for 9 person yung swing. Mukang mahilig sa halaman yung parents nila, kasi ang daming flowers at halaman.

Bea's POV

                   Pag dating ko sa bahay, hindi ko na sila hinintay. Dumiretso na agad ako sa kwarto ko. Nagpalit lang ako ng damit tapos nagpunta na ko sa kusina. Kahit hindi pa ko nakaka get over sa nangyari kanina, wala ehh, kailangan ko ng magluto. Wala namang choice kasi 'pag hindi ako nagluto pati yung mga bwisita namin hehe magugutom din.

Joyce: ate. Medyo nagulat naman ako kay Joyce.

Bea: oh, Joyce. May kailangan ka ba?

Joyce: ah, wala naman ate. Kukuha lang ako ng snacks and juice. Nga pala dun muna kami sa garden ah.

TWEENS:  CAN THIS BE LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon