..Boys Side..
Kris's POV
Maaga kong nagising dahil sa tawag ni Josh, aga aga mang abala. Wala daw sina tita kaya pinapunta ako sa bahay nila para daw magamit na ulit namin yung mga band instruments sa kanila, kami lang naman talaga gumagamit nun… At andito na nga ako sa bahay nila… akala ko naman kaming dalawa lang, nagulat na lang ako ng makita ko si Jake kasama si Lexi, kaya agad akong lumapit sa kanya.
Kris: bro bakit hindi mo sinabing nandito din pala si Lexi?
Joshua: bro hindi ko nga din alam, si Jake lang naman tinawagan ko, nagulat na lang ako nung dumating silang magkasama, alangan namang paalisin ko si Lexi noh kahit paano bestfriend ko pa din yan.
Kris: alam ko naman yun bro kaya lang baka naman pati sa akin magalit si Joyce pag nalaman nyang kasama ko yan. Alam ko namang hindi ganon kababaw si Joyce pero kahit na,ayoko pa din magkaron sya ng dahilan para magalit sya sa akin mahirap na baka masira pa diskarte ko.
Joshua: bro wag ka ngang OA dyan, alam ko namang may gap between Bea and Lexi pero siguro naman labas na tayo sa away nila di ba besides pareho naman natin kaibigan mga yun kaya okay lang yan bro. Nagulat ako ng biglang lumapit sa amin si Lexi.
Lexi: Kris,BBF alam ko nahihirapan kayo sa sitwasyon dahil sa nangyari sa'min ni Bea pero sana hindi nyo ako iwasan dahil sa nangyari. Mas nagulat ako sa pagtulo ng luha nya.
Joshua: bestfriend….hindi ka naman namin iiwasan ehh!! Gusto ko nga magkaayos na kayo ni Bea ehh mahirap naman na lagi kayong mag-iiwasan. Tama si Josh sana talaga magkaayos na sila,nakakaawa din naman kasi si Lexi.
Lexi: thank you ha! Alam nyo kayo lang kasi ang kaibigan ko...ayoko man ipahiya si Bea nun pero nabigla talaga ko. Salamat kasi kaibigan pa din ang turing nyo sa'kin. Patuloy pa din sya sa pag-iyak lumapit si Jake at hinimas ang likod ni Lexi biglang niyakap ni Lexi si Joshua at tumingin sya sa'kin at niyakap din ako.
"EHEM EHEM!!!"
Napatingin ako sa umubo,at nagulat ako ng makita ko si Barbie na kitang kita sa mukha nya ang pagkainis si Bea na halatang nagulat at si Joyce na nakayuko lang. anak ng….eto na nga ba sinasabi ko ehh.
Joyce's POV
Pagdating namin sa bahay nila Joshua agad kaming pinapasok ng maid nila sinabi na lang namin na kami na lang pupunta kila Josh sa garden dahil gusto namin sila isurprise pero pagdating namin sa garden kami yung mas nasurprise sa nakita namin s..si Kris at Lexi MAGKAYAKAP!!! Hindi na ko nakapag react kasi nasaktan ako sa nakita ko…oo inaamin ko nasaktan talaga ko dahil mahal ko na si Kris kaya napayuko na lang ako at narinig ko si Barbie.
Barbie: EHEM EHEM!!! Knowing Barbie alam kong sa mga ganitong sitwasyon hindi na magtitimpi yan at sasabihin na nya lahat ng gusto nyang sabihin.
Barbie: nakakaabala yata kami? Nakita kong tumaas ang kilay nya,gusto ko syang pigilan pero hindi ko magawa.
Joshua: Barbz,Bea,Joyce a..anong ginagawa nyo dito? Halata sa mukha ni Josh na kinakabahan sya.
Barbie: woooahh thanks for that warm welcome Josh. Sarcastic na sabi nya mas lalo lang nainis si Barbie sa tanong ni Josh.
Kris: Bey,Barbz its not what you think..Joyce magpapaliwanag ako. Ngumiti ako ng pilit at tumingin kay Kris,kahit ngayon lang gusto kong maging matapang. Hindi ako iiyak HINDI kaya ko to.
Joyce: no Kris you don't have to explain anything..okay lang. nakita kong huminga ng malalim si Ate mas lalo akong kinabahan kasi baka kung ano yung masabi nya.
Bea: its not what we think? Bakit Kris mind reader ka na ba ngayon at nababasa mo kung anong iniisip namin? Tsk bumalik na nga ang ate ko sa pagiging palaban nya,parang gusto ko na lang tumakbo palayo para hindi ko na makita ang mga mangyayari.
BINABASA MO ANG
TWEENS: CAN THIS BE LOVE
Fiksi PenggemarIsang grupo ng magkakaibigan ang susubuking sirain ang tiwala sa isa't isa. Alamin natin kung hanggang saan ang tatag nila sa pagharap sa bawat pagsubok na darating sa kanila.