Jake's POV
Halos hindi ako nakatulog magdamag kakaisip kung paano ko sisimulang kausapin si Lexi ng hindi kami magtatalo. Ayoko naman isipin nya na pinagdududahan ko yung nararamdaman nya sa akin, pero kahit anong isip ko, ganon pa din talaga yung kalalabasan ng pakikipag-usap ko sa kanya, pero kaylangan ko talagang malaman ang totoo. Haaaaayyy hindi ko na talaga alam ang gagawin o sasabihin sa kanya, basta bahala na nga mamaya.
Nandito na ko ngayon sa loob ng class room namin, hindi ko naman hinihintay si Lexi sa front gate, kasi isa yun sa mga ayaw nya na hindi ko alam kung bakit. Nakita kong pumasok na ng room si Lexi, nagulat ako kasi masyado yata syang maagang pumasok ngayon, dati kasi halos 5 minutes na lang bago magstart ang klase bago sya dumating pero ngayon, 45 minutes pa bago magstart yung klase namin, nagsmile lang sya sa akin, ganyan naman lagi ehh magsasmile lang sya sa'kin tapos wala na, nung una hindi ako sanay na ganon lang, pero after 2 months in a relationship nasanay na din ako, tama kayo ng nabasa 2 months na kami pero hindi kami nagsecelebrate ng monthsary, kasi hindi naman na daw kailangan yung mga ganung kaartehan, ayon sa kanya. Maya maya pa dumating na din si Barbie at Bea, naupo si Bea sa tabi ko since yun talaga ang proper seat nya, nakakapanibago pa din, kahit almost 2 weeks na kaming hindi nagpapansinan, parang hindi pa din ako sanay na dumarating sya na parang hindi nya ko nakikita, datirati kasi pag dating nya isang matamis na ngiti agad ang sasalubong sa akin at babatiin nya ko ng good morning, ngayon wala na... kahit hi wala.
Barbie: bhesy tara, dito ka muna sa katabi kong upuan, nahihirapan ako sa pwesto mo dyan eh, mukang hindi komportable. Alam kong inis na inis na sa akin si Barbie kaya nya sinasabi kay Bea yun pero okay lang, deserve ko naman sa kanila to eh, lalo na kay Bea. Sa tuwing wala si Lexi nuon sya yung laging kasama ko at kausap ko. Kahit minsan hindi nya pinaramdam sa akin na nasasawa na syang kausap o kasama ko.
Bea: *smile* ano ka ba okay lang ako dito tsaka malapit ng magstart yung klase noh! Nagkibit balikat na lang si Barbie, at ayun nga dumating na yung teacher namin which is adviser namin, Filipino teacher namin sya.
Teacher: nais ko lamang ipaalala sa inyo na sa darating na martes na ang gaganaping party kaya yung mga magtatanghal, simulan nyo na ang pag-eensayo. May meeting ang lahat ng guro ngayon, pero hindi pa din kayo maaring umuwi, magtungo na lang kayo sa covered gym para magdecorate at…… Ms. Binene ikaw ang inaatasan kong magbantay sa mga kaeskwela mo para masiguradong tutulong sila sa pag-aayos doon. Mr. Vargas ikaw naman ang bahala sa attendance, hindi kayo maaring umalis doon hanggang hindi pa lunch break at hindi rin kayo maaring umuwi, pagkatapos ng lunch break ay kailangan nyo muling magtungo doon. Nagkakaintindihan ba tayo? Oo nga pala sa martes na pala yun, hanggang ngayon hindi pa din namin napag-uusapan ni Lexi kung ano yung kakantahin namin, martes na din kasi ngayon.
Whole Class: YES MA"AM.
Teacher: mabuti kung ganon. Mr. Vargas and Ms. Binene kayo na ang bahala at wag nyong kalilimutan ang hinabilin ko maliwanag ba? At isa pa nga pala, bago kayo umuwi puntahan nyo muna ko sa faculty room para magbigay ng report at attendance nyo.
Bea: opo ma'am
Jake: opo.
Bea's POV
Waaaahhh!!! Ano ba naman to? Sinasadya ba talagang sa amin pa ibilin yun? Pwedi namang kay Lexi at Jake na lang bakit sa amin pang dalawa? Todo iwas na nga ako sa Jake na to tapos lalo pa kaming pinaglalapit. Natigil ang pagmamaktol ko ng biglang magsalita si Barbie.
Barbie: ohh? Ano namang klaseng muka yan?
Bea: wala, asar naman kasi.
Barbie: hay nako mukang alam ko na kung bakit. Hoy Beance Marie ahh itigil mo na yang pag-aalburoto mo dyan. Hayaan mo na lang at isipin mo din hindi mo maiiwasan si Jake forever noh!
BINABASA MO ANG
TWEENS: CAN THIS BE LOVE
FanfictionIsang grupo ng magkakaibigan ang susubuking sirain ang tiwala sa isa't isa. Alamin natin kung hanggang saan ang tatag nila sa pagharap sa bawat pagsubok na darating sa kanila.