Vacation

141 8 1
                                    

Joyce's POV

          Kasalukuyan kaming naglalagay ng mga gamit namin sa van nila Kris, at naiinis na ako sa sobrang bagal nilang kumilos.

Joyce: guys, ano ba? Konting bilis naman, anong oras na oh, dadaanan pa natin si Josh.

Napatingin naman si ate sa akin dahil kanina pa din ako sumisigaw.

Bea: Joyce, easy ka lang, ang init ng ulo mo. Tulungan mo kasi kami ng hindi ka naiinip.

Well, yes taga utos lang ako at hindi ko nga naman sila tinutulungan.

Kris: hindi na Bea, ako ng bahala. Hayaan mo na si Joyce.

Bea: bahala na nga kayo.

Yan ang dahilan kung bakit hindi ko sila matulungan, ayaw akong patulingin ni Kris. Napansin ko naman na sobrang tahimik ni Barbz kaya agad ko syang nilapitan.

Joyce: bebz, okay ka lang?

Tumingin lang sya sa akin at tumango. Ano kayang problema ng isang to?

Bea: guys, sakay na kayo, dadaan na lang tayo kina Josh tapos deretso na tayo sa rest house ng tita mo Barbz.

Sumakay na kami sa sasakyan at nagtuloy sa bahay ni Josh.

Josh's POV

           Nandito ako ngayon sa labas ng bahay namin at dala ko na ang mga gamit na kailangan kong dalin, nagtext na din si Kris na malapit na sila. Hindi pa rin mawala sa isip ko yung mga sinabi ni Barbie, Oo alam kong galit sya pero hindi ba parang sobra naman yung mga bintang nya sa akin.

Ilang sandali pa at dumating na din ang van nila Kris. Pumasok na agad ako, sa likod ako sumakay ng biglang lumipat si Kris sa gitna ng van kaya kaming dalawa lang ni Barbz ang naiwang magkatabi sa likod.

TWEENS:  CAN THIS BE LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon