Change Of Plans

608 10 2
                                    

Joshua's POV

      Alam kong nasasaktan si Jake dahil sa ginawa ng best friend ko, I am so disappointed to her. At first, I thought it was just a misunderstanding, na baka mali lang yung iniisip namin na hindi talaga mahal ni Lexi si Jake. Honestly, hindi talaga namin alam ni Kris kung paano mapapagaan yung loob ni Jake. Walang nagsasalita sa amin, tahimik lang na umiiyak si Jake.

Jake: bro, salamat sa tulong pero gabi na din kasi, kailangan nyo na din umuwi. Sabi nya bigla. Hindi ko alam kung okay lang ba talaga na iwanan namin sya sa ganyang sitwasyon.

Kris: bro, okay lang naman kahit magstay kami dito, tatawag na lang ako sa bahay para makapagpaalam.

Joshua: ako din, para naman may makasama ka.

Jake: okay lang ako, kaya ko na naman sarili ko.

Kris: sigurado ka bang okay lang na umuwi na kami?

Joshua: pwedi kaming magstay dito kung gusto mo.

Jake: okay nga lang ako, wag nga kayong OA dyan, sige na lumayas na kayo. Pinipilit nyang ngumiti, hanga din talaga ko sa lokong to, matapos magdrama nakukuha pang ngumiti.

Joshua: sige, sabi mo eh, pano una na kami?

Kris: kita na lang bukas.

  Lumabas na kami ng kwarto ni Jake at nakita namin si Tita Ellen (mama ni Jake) sa sala.

Mrs. Vargas: ohh Kris, Josh. Uuwi na ba kayo? Akala ko dito kayo matutulog?

Joshua: ayy hindi po tita, uuwi din po kami.

Mrs. Vargas: teka, nasaan si Jake? Bakit hindi man lang yata lumabas ng kwarto yung bata na yun? Nagsmile lang kami ni Kris kay tita, ayoko naman na sa amin magmula yung problema ni Jake, kasi hindi naman namin alam kung gustong ipaalam ni Jake sa mama nya yung nangyari.

Kris: sige po tita mauna na po kami. At umuwi na din kami agad, malapit lang naman yung bahay namin ni Kris sa bahay nila Jake kaya nakauwi na kami agad.

     Pag dating ko sa bahay, sinalubong agad ako ni manang Linda, yung kasambahay namin.

Manang Linda: oh hijo kanina pa tumatawag si Lexi sa telepono, pinapasabi nya na tawagan mo daw sya agad. Nginitian ko lang si manang, kanina pa din sya tumatawag sa phone ko pero hindi ko sinasagot, gusto ko man marinig yung paliwanag nya, pero dahil sa galit pa din ako sa ginawa nya, kaya ayoko muna syang makausap.

…..Kinabukasan…..

Kris POV

      HALA!!! Masyadong napasarap yung tulog ko kaya late na ko nagising, wala kasi si Mama kaya walang gumising sa akin. Nasa business trip na naman sila ni papa, sanay na naman akong mag-isa. Nagmadali na agad akong maligo at nagbihis, hinatid lang ako ng driver namin na si Mang Mak. Pag dating ko sa school, patakbo na kong nagpunta sa room namin, sakto namang nakita ko si Ms. Paguiligan adviser namin na papasok pa lang ng room kaya halos sabay lang kaming dumating. WOOOOOO!! Buti na lang hindi ako late, nakita ko naman agad si Joyce kaya lumapit agad ako sa kanya syempre dahil magkatabi din kami sa upuan.

Kris: good morning bebe girl *wink* Narinig ko naman syang mahinang tumawa at umiling.

Joyce: late morning Kris. Hahaha oo nga naman late na ko. Napatingin naman ako kay Joshua. Mukang wala sa sarili ang loko kaya agad kong siniko.

Joshua: ARAY!! Ano ba naman Kris? Hala init ng ulo ng loko.

Kris: problema mo dude?

Joshua: tsk tsk wala naman, naiinis lang ako dahil halos hindi ako nakatulog kakatawag ni Lexi. Bigla ko naman naalala yung nangyari kagabi, napatingin lang sa amin si Joyce na parang nagtataka, hindi pa kasi nya alam yung nangyari kay Jake at Lexi. Hindi ko naman din kasi masabi dahil na din wala naman akong permiso ni Jake. Baka magalit pa sa akin yun pag sinabi ko sa iba, hindi ko naman kasi alam kung okay lang sa kanya kung sabihin ko kay Joyce. Ngumiti na lang ako sa kanya para mawala yung pagtataka nya. Nabaling naman yung atensyon namin sa teacher namin.

TWEENS:  CAN THIS BE LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon