Binene's House
Joyce: Ma,Pa andito na po ako..
Mrs. Binene: oh anak!kumain ka na ba?
Joyce: ahh hindi pa po.
Mrs. Binene: tara kumain ka na ipaghahain na kita.
Joyce: ahm Ma salamat na lang po hindi naman po ako gutom.ahm Ma si Ate po?
Mrs. Binene: nasa kwarto na anak kanina pa nga yun hindi lumalabas.
Joyce: sige Ma puntahan ko po muna si Ate.(umakyat at nagpunta sa kwarto)
Sa Room
Joyce: (knock knock)Ate!(pumasok sa kwarto)
Bea: (nakatakip ng kumot at patuloy sa pag-iyak)
Joyce: ate alam ko gising ka pa,hindi mo naman kailangan magsalita e.gusto ko lang makinig ka sa akin.
(Nakikinig lang si Bea kay Joyce hindi na napigilan ni Joyce ang umiyak)
Joyce: Ate,naaalala mo nuon?lagi mo kong pinagtatanggol kasi sobrang hina
ko,ang duwag ko…kaya simula mga bata pa lang tayo, ayoko ng malalayo sa'yo..kaya nga nung sinabi ni Mama na kailangan mo ng mag-aral iyak ako ng iyak nun kasi ayokong malayo ako sa'yo kaya nga napilitan si Mama na isabay na ko sa'yo na mag-aral..
Bea: (pinunasan ang luha,naupo at tumingin kay Joyce)
Joyce: (smile) simula nun lagi ng ikaw yung kasama ko,at sa'yo ko kumukuha ng lakas ng loob,tatag at tapang….ate alam ko nahihirapan ka,alam ko nasasaktan ka at mas lalo ka pang nasasaktan dahil sa mga taong walang ibang alam gawin kundi husgahan ka(patuloy ang pagtulo ng luha)
Bea:…………..
Joyce: ate sorry ha!kasi,hindi ko man lang magawang ipagtanggol ka…hindi ko man lang magawa na mapasaya ka…wala akong magawa para maalis yung sakit na nararamdaman mo…(hug Bea)
Bea: (hug Joyce) Joyce hindi mo naman kaylangan mag sorry eh..kasi ako naman talaga yung may kasalanan kung bakit ako ganito..ako nga dapat yung humingi ng tawad sa'yo kasi masyado akong nagpaapekto sa mga nangyayari…hindi ko naisip na may mga tao din na nasasaktan dahil sa inaasal ko…..pasensya ka na ha!mahina si ate…
Joyce: isa lang naman yung gusto ko ate…(umalis sa pagkakayakap,tingin sa mata ni Bea) ate gusto ko lang ibalik mo na yung dating ikaw..
Bea: Joyce…
Joyce: ate hindi mo kailangan pilitin yung sarili mo,isipin mo na lang na may mga taong handang gawin lahat mapasaya ka lang,mga tao na handang akuin lahat ng sakit na nararamdaman mo (smile)
Bea: Joyce…pangako ni ate sa'yo gagawin ko lahat mabalik lang yung dating ako..kasi mahal kita…mahal ko kayo at ayoko kayong masaktan at mahirapan ng dahil sa akin..
Joyce: (hug Bea) salamat ate…mahal ka din namin sooobra:)
Bea: oh sige na mag-ayos na tayo at ng makakain na tayo hehe nagutom din ako
Joyce: ate talaga sige magbihis lang ako tapos baba na tayo
Bea: sige :)
(Nang makapagbihis na ang magkapatid ay agad na itong bumaba para kumain)
Sa Dinning Area
Mrs.Binene: oh mga anak kumain na kayo ipaghahanda ko na kayo.
Joyce: sige po Ma mukang gutom po talaga si Ate (smile)
Bea: ikaw talaga Joyce alam ko naman pati ikaw gutom din (smile)
(Habang kumakain ang magkapatid napansin ng Mama nila na nakakangiti na ulit si Bea)
Mrs.Binene: Bea anak,mukang ang saya mo na ulit ah!
Bea: ha?...Ma lagi naman po akong masaya di ba!
Mrs.Binene: oo nga pero nung mga nakakaraang araw kasi napansin namin ng Papa mo na pinipilit mo lang ipakita sa amin na masaya ka kahit hindi naman talaga.
Joyce: nako Mama wag nyo na lang ipaalala kay Ate yun at baka bumalik pa yung lungkot sa muka nyan (smile)
Bea: Joyce talaga oh di ba may promise ako sa'yo at tututparin ko yun okay…(smile)
Mrs. Binene: haaaay kayo talagang dalawa,tapusin nyo na lang yang pagkain nyo at pumanik na kyo ha!may pasok pa kayo bukas..
Bea: opo Mama
(Pagkatapos kumain ng magkapatid agad itong umakyat sa kwarto)
Sa Room
Joyce: ate basta wag ka magmadali ha!alam ko naman na hindi madali yung pinagdadaanan mo kaya gusto ko kung babalik ka man sa dati ehh hindi pilit (smile)
Bea: oo naman kapatid..thanks ha!
Joyce: ha??thanks for what?
Bea: for being a friend and a sister for me…you know what…dahil sayo…sa inyo mas naging strong ako ngayon
Joyce: ate,syempre naman love na love na love kaya kita at kahit hindi ako kasing palaban mo I'll make sure that no one can hurt you (hug Bea)
Bea: awww I love you too Joyce kahit alam kong may Kris ka na..haha
Joyce: ate talaga..
Bea: sige na matulog na tayo..baka mapuyat ka pa mapagalitan pa ko ni Mr.CRUSH hehe
Joyce: oo na po…
(natulog na ang magkapatid na masaya dahil alam nila pareho na okay na si Bea)
==============================================================
A/N: thanks Readers! #HomeSweetHome BUKAS NAAAA!!!
BINABASA MO ANG
TWEENS: CAN THIS BE LOVE
FanfictionIsang grupo ng magkakaibigan ang susubuking sirain ang tiwala sa isa't isa. Alamin natin kung hanggang saan ang tatag nila sa pagharap sa bawat pagsubok na darating sa kanila.