Jake's POV
Katatapos lang ng klase namin,nakapag lunch na din kami ni Lexi. Nandito kami ngayon naglalakad papunta sa tambayan ng barkada sa may park ng school. Nagpapasama kasi sya sa akin dahil may kailangan daw syang sabihin kay Josh. Nang makarating kami sa park, agad namin silang nilapitan at naririnig ko pa ang mga tawanan nila,ang saya nila. Siguro kung hindi nasira yung pagkakaibigan namin ni Bea, sigurado pati ako at si Lexi kasama sa masasayang kwentuhan nila.
Barbie: hahahaha basta dun tayo sa Baguio kaya Kris sabihin mo na sa parents mo kasi for sure malulungkot yung isa dyan pag hindi ka kasama.
Joyce: hoy hindi noh!
Bea: defensive lang? react agad ehh wala namang sinabing pangalan hahahah.
Jake: Kris,Josh. Tinawag ko sila at ngumiti ako sa kanila,nakita ko namang tumaas yung kilay ni Barbie si Joyce at Bea tumingin lang sa akin at kay Lexi.
Barbie's POV
Ohhh? Anong ginagawa ng dalawang toh dito? Tss panira ng moment ehh! Si Josh nga tinitiis kong makita at makasama kahit ayoko dahil inis pa din ako sa kanya pero dahil nga gusto ko sya, hayaan na lang hahaha ang kiri ko lang. Well, tumingin ako dun sa dalawang bwisit at tinaas ko hanggang langit yung kaliwang kilay ko haha hayaan na naiinis ako sa mga to eh!
Kris: oh bro anong problema?
Jake: ahh wala naman may sasabihin lang si Lexi.
Lexi: hi Kris hi BBF. Nagsmile pa ang bruha akala mo naman ang ganda nya. Hmp sarap krompalin ng muka.
Joshua: hi! Oh ano ba yung sasabihin mo?
Lexi: ahm pinapasabi kasi ni Mama na dun na daw kayo magdinner sa bahay mamaya, since wala naman daw si Tito.
Joshua: ahh yun lang ba?sure,sasabihin ko kay mama.
Barbie: bhesy,Joyce parang ang BAHO noh? Nakita kong napatingin sa amin sila Kris as in lahat sila pati yung dalawang epal. Sa lakas ba naman ng pagkakasabi ko eh.
Joyce: ha? *sniff* parang wala naman.
Bea: *sniff* *sniff* oo nga parang wala naman bhesy. Nakita ko yung pagtataka sa muka nila hahaha hayaan na maiintindihan din nila ko mamaya.
Barbie: hindi nyo ba naaamoy?
Bea: bakit ano ba yung naaamoy mo?
Barbie: amoy PLASTIK eh… Natahimik naman silang lahat, hahaha mukang nagets nila yung ibig kong sabihin wahahaha magmamaldita lang ako ng konti.
Joyce: pst!tumigil ka nga dyan. Bulong ni Joyce sa akin pero dahil maldita nga ako ng konti di ko na lang sya pinansin.
Barbie: lets go gals, layo tayo dito,dun muna tayo sa isang bench, hindi kinakaya ng katawan ko yung amoy ng PLASTIK dito eh,baka hindi ako makapagtimpi maitapon ko sa basurahan yung PLASTIK na yun kasama ng mga kapwa nila BASURA. Nagsimula na kong maglakad at agad naman na sumunod yung dalawa hahaha ang saya lang nun.
Kris's POV
Lumipat ng pwesto sila Barbie pero hindi naman kalayuan, haaaayy ewan ko ba dun kay Barbz inatake na naman ng kamalditahan.
Joshua: best, bro pagpasensyahan nyo na si Barbz ha! Wag nyo na lang pansinin.
Jake: okay lang pre naiintindihan ko namang galit yun sa amin.
Kris: mabait naman yun eh,alam nyo naman siguro yun di ba? baka tinopak lang pero hayaan nyo na.
Lexi: alam nyo wag na nga natin intindihin yun, okay lang naman sa akin noh! Nagsmile si Lexi sa amin, hanga din ako sa babae na to, kahit ganon yung pakikitungo ni barbz sa kanya wala lang sa kanya.
BINABASA MO ANG
TWEENS: CAN THIS BE LOVE
FanficIsang grupo ng magkakaibigan ang susubuking sirain ang tiwala sa isa't isa. Alamin natin kung hanggang saan ang tatag nila sa pagharap sa bawat pagsubok na darating sa kanila.