Christmas Party

517 12 5
                                    

Bea's POV

         06:00 am ng magising ako, wala naman na akong kailangang ayusin. Ngayon na nga pala yung christmas party namin, at gaya ng napag-usapan, magbibigay kami ng food for street children then pupunta kami sa isang orphanage. Since tulog pa si Joyce, napag-isipan kong magluto na lang for our breakfast, wala din naman kasi si mama, nasa new york sila ni papa para pag-aralan nila yung gustong itayong business ni mama. I prefered to cook pancakes na lang. mahaba pa naman yung time so bonggang pancakes yung lulutuin ko. Wanna know? Kumuha lang ako ng fruit cocktail, all purpose cream, condensed milk, two eggs and syempre pancake mix. Drain lang yung fruit cocktail then lagay sa pancake mix lagyan ng water then yung eggs. After ko mamix yung mga ingredients syempre pan fry na. Yung syrup naman pinagmix ko lang yung cream and condensed milk para hindi sya sobrang tamis. It's done, buti na lang sanay talaga kong magluto kung hindi, ayy naku malamang lagi kaming gutom ni Joyce kapag wala parents namin.

Joyce: ate? Aga mo yatang nagising? Ayy gising na pala si sleeping beauty.

Bea: nagluto kasi ako ng breakfast natin kaya maaga akong gumising. Remember wala si mama kaya ako taga luto ngayon.

Joyce: ayy oo nga noh! Sorry ate hindi ako nakatulong, late na kasi ako nagising hehe.

Bea: napansin ko nga. Akala ko nga kailangan ko pang tawagin yung prince charming mong si Kris para lang magising ka eh. Biro ko sa kanya, pero imbis na mainis ayun natuwa pa ang luka at kinilig pa yata.

Joyce: ate naman, ngayon lang naman ako nalate ng gising eh.

Bea: ayy sus talaga lang ha? Ohh ayan na kumain ka na. Baka ma-late pa tayo. Naupo na naman sya sa harap ko at nagsimula ng kumain.

Joyce: wow ate sarap nito ahh! The best ka talaga magluto.

Bea: sige, utuin mo pa ko.

Joyce: ahm ate. Tsk nagpapacute pa, for sure may kailangan to.

Bea: sabihin mo na kung ano yung kailangan mo.

Joyce: ate talaga binuking agad ako eh.

Bea: sabi ko na nga ba. Oh ano nga yun?

Joyce: ate pwedi ko bang pagdalan ng pancakes si be- Kris pala he-he-he.

Bea: anong be ha? Ikaw ha sabi ko sa'yo pag sinagot mo yung mokong na yun sabihin mo sa'kin agad ha.

Joyce: oo naman ate. So ano? Pwedi ko na ba syang pagdalan ng pancakes?

Bea: oo na, madami naman yan. Bigyan mo din sila Josh ha!

Joyce: sure thing ate. Kahit si Jake bibigyan ko.

Bea: che! Sige na maghanda ka na. Ayusin mo na yung mga gamit mo, ako na bahalang maglagay ng pancakes sa lalagyan.

Joyce: thanks ate mwuaaaah! Inayos ko na yung pancakes na dadalin. Tapos naligo na din ako at nag-ayos ng konti. Hindi ko na kailangan ng make-up pretty na ko hehe.

*

        Ngayon andito na ko sa loob ng car, hihintay ko lang si Joyce. Ang tagal talaga ng babae na yun.

Bea: ano ba yan ang tagal naman ni Joyce. Mang boy wala pa din po ba si Joyce?

Mang boy: ayan na po ma'am bea.

Joyce: ate sorry. Inayos ko pa kasi yung mga dadalin kong gamit.

Bea: oo na, sige na pumasok ka na dito. Habang nasa byahe kami, patuloy lang ang pag-aayos ni Joyce sa gamit nya.

Joyce: hala ate yung pancakes hindi ko nadala.

Bea: dala ko na, tsk alam ko naman na makakalimutan mo yun eh.

TWEENS:  CAN THIS BE LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon