Barbie's POV
Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog, basta pag gising ko nasa Baguio na kami, nauna na palang bumaba ang mga soooobrang bait kong friends dahil di man lang nila ko ginising para nakatulong man lang ako.
Agad akong pumasok sa bahay at nakita ko si manang Ising
Barbie: manang ising!!
Manang Ising: ayy naku barbarra?? Ikaw na ba yan? Dalaga ka na anak ah. At ang ganda mo lalo ngayon.
Barbie: naku salamat po manang ah. Ang tagal na nga po nating hindi nagkikita, mabuti na lang po at naisipan namin ng mga kaibigan ko na magbakasyon dito.
Si manang Ising ang isa sa mga kasambahay namin simula pa noong bata ako, kaya lang naisipan ni Mama na sya na lang ang gawing tagapagbantay sa bahay bakasyunan namin kasama ang asawa nya na si Mang Julio.
Manang Ising: natuwa nga ako ng malaman ko na darating ka iha. Basta magpakasaya lang kayo dito anak kasama ng mga kaibigan mo.
Speaking of kaibigan...
Barbie: manang, na saan na nga po pala yung magagaling kong kaibigan?
Manang Ising: nasa kwarto na anak. Aba'y napagod daw sila sa byahe kaya nais ng mamahinga.
Barbie: ayy sige manang ahh, pupuntahan ko na muna po sila, baka nakakahiya sa kanila na iniwan nila ko sa sasakyan. Sige po.
Nakangiti kong paalam kay Manang. Nakoooo lagot talaga sa akin tong mga kaibigan ko.
Pag dating ko sa kwarto naming mga girls, nakita ko si Joyce at Bea na nakaupo sa kama nasa floor naman ang mga boys, may carpet naman doon kaya okay lang. Mukang di pa nila ko napapansin na pumasok dahil busy sila sa kung ano man ang ginagawa nila.
BINABASA MO ANG
TWEENS: CAN THIS BE LOVE
FanfictionIsang grupo ng magkakaibigan ang susubuking sirain ang tiwala sa isa't isa. Alamin natin kung hanggang saan ang tatag nila sa pagharap sa bawat pagsubok na darating sa kanila.