Joshua's Pov
Ilang araw na din akong iniiwasan ni Barbie,nakakalungkot lang kasi mas nasanay akong kaming dalawa yung magkasama pero ngayon daig ko pa ang may nakakahawang sakit kung iwasan nya ko. Aaminin ko nahihirapan ako sa sitwasyon namin ngayon dahil hanggang ngayon hindi ko pa rin talaga maintindihan kung bakit sya nagalit sa'kin. Ilang beses na din nagtangka ang buong barkada para makapag-usap kami pero wala pa din,galit pa din sya at isa lang ang lagi nyang sinasabi nya sa tuwing kakausapin nya ko "Hindi Ako Nakikipag-usap Sa Hindi Ko KAIBIGAN" and it hurts a lot kasi pakiramdam ko hindi lang kaibigan ang turing ko sa kanya,I a short period of time I fell for her. Hindi ko alam kung paano nagsimula basta ang alam ko isang araw nagising ako na gusto ko na pala sya hanggang sa lumalim yung nararamdaman ko para sa kanya. At first ayoko talagang sabihin sa kanya yung feelings ko dahil ayokong masira yung friendship namin dahil natatakot akong iwasan nya ko pero nangyari pa din iniiwasan nya pa din ako…..HAAAAYYY
Barbie's POV
Ohh ano? Ako na naman bang masama ngayon para sa inyo? Grrr badtrip kasi yung mokong na singkit na yun eh! Alam kong kahit kayo hindi nyo pa din alam kung bakit ako naiinis or should I say Galit Na Galit sa singkit na yun… oh sige sasabihin ko sa inyo para naman maintindihan nyo ko..makinig kayo ha! Kasama ko kasi ngayon si Bea at Joyce.. Sasabihin ko na din kasi sa kanila para naman di na nila ko kulitin noh! Andito kami sa school cafeteria ngayon at hindi kasama yung mga boys bawal sila dito dahil ayoko hahaha I'm the boss ehh!
Joyce: DALIIII spill it na girl!! Ohh di ba sabi ko sa inyo angkulit nila.
Bea: oo nga naman bhesy ano ba kasi talagang dahilan mo at hindi na maabot ang galit mo kay Josh.
Joyce: oo nga,wala naman ginagawang masama yung tao sa'yo todo effort na nga sya para lang magkaayos na kayo.
Barbie: ehh ka…
Bea: TAMAAA!!! At pagod na din kaming tulungan si Josh noh!
Barbie: ba…
Joyce: TRUE!!! Nakakaawa na nga si Josh…
Bea: at isa p…
Barbie: HEEEEEEEPPPP!!!! Paano naman ako makakapagpaliwanag kung hindi nyo ko pagsasalitain… Tss kainis naman tong magkapatid na toh! Ang daming sinasabi hindi ako makasingit!
BINABASA MO ANG
TWEENS: CAN THIS BE LOVE
FanfictionIsang grupo ng magkakaibigan ang susubuking sirain ang tiwala sa isa't isa. Alamin natin kung hanggang saan ang tatag nila sa pagharap sa bawat pagsubok na darating sa kanila.