Broken/ Apology/ Meet The Boyfriend

595 6 2
                                    

Barbie's POV

     Napahinto kami sa pag-aayos sa kusina ni Tita Ellen ng may narinig kaming nabasag, bigla naman kaming napatakbo sa room ni Jake. Nakita namin si Bea na parang shocked at si Jake na ang sama ng tingin kay Bea, nakita kong nagulat sya ng makita nya kami, siguro hindi nya alam na nandito kami. Magsasalita na sana kami ng biglang sumigaw si Jake.

Jake: HINDI KA BA MARUNONG UMINTINDI HA BEA? Natahimik kami sa biglang pagsigaw ni Jake.

Tita Ellen: Jake, ano ba naman yan? Pero parang hindi narinig ni Jake yung sinabi ng Mama nya. Bigla namang nagring yung phone nila, kaya napatakbo si Tita palabas.

Jake: bakit ka ba nandito Bea? Gusto mo bang makita kung gaano ako kamiserable para mapagtawanan mo ko ha? Napakunot naman ng noo si Bea.

Kris: ano ba yang sinasabi mo Jake? Pero para talagang ewan tong si Jake at hindi na naman pinansin si Kris. Tumawa naman ng pilit si Jake.

Jake: hmm alam ko na kung bakit nandito ka, magpapanggap kang concern para mapalapit ako sa'yo at magkaron ako ng utang na loob sa'yo tapos ano? Para sa'yo mabaling yung pagmamahal ko para kay Lexi? Ganyan ka na ba talaga kadesperada para mapansin ko ha Bea? Nabigla kaming lahat sa sinabi ni Jake, pero mas nagulat ako sa ginawa ni Bea.

*PAAAAK* *PAAAAK*

Barbie: BEA!! Napasigaw na ko dahil sa pagsampal nya kay Jake, at bigla na lang parang water falls yung mata nya dahil sa biglang pagbuhos ng luha nya. Hindi nya ugaling umiyak sa harap ng marami pero ngayon, nagagawa na nya at dahil yun kay Jake.

Bea: tapos ka na ba? *sob* masaya ka na ba sa pag-insulto sa'kin ha *sob* Jake? Lumapit naman ako at si Joyce kay Bea, si Kris at Josh naman ay kay Jake.

Bea: ganyan na ba kababa yung tingin mo *sob* sa'kin? Na gagawin ko lahat *sob* para lang magustuhan mo ko? Oo Jake *sob* inamin ko naman di ba? na gusto kita, hindi lang bilang kaibigan *sob* pero higit pa. Pero hindi ako nagpunta dito para *sob* pagtawanan ka, para magsaya *sob* dahil sa nasasaktan ka. Hinayaan ko lang syang ilabas lahat ng hinanakit nya kay Jake kahit alam kong nahihirapan na syang magsalita dahil sa patuloy na pagtulo ng luha nya.

Joyce: ate tama na. Bulong ni Joyce pero patuloy pa din sa pag-iyak at pagsasalita si Bea.

Bea: kung gusto kitang masaktan, edi sana *sob* hindi ko sinabi sa'yo nuon yung nalaman ko, pero *sob* hindi, sinabi ko pa din yun *sob* kahit alam kong posibleng magalit ka sa akin. At nangyari nga yun, ininsulto ako ng girlfriend mo *sob* sa harap ng maraming tao, nandun ka *sob* pero hindi mo sya pinigilan, hindi mo nga ko nagawang ipagtanggol. To think na *sob* ako yung nasa mo tabi sa tuwing wala si Lexi, ako yung *sob* lagi mong kasama, ako lagi mong kausap. Sa akin mo sinasabi lahat ng sama ng loob mo sa kanya, pero *sob* may narinig ka bang masasakit na salita mula sa'kin? Hindi ko sinumbat lahat yun sa'yo, kahit nasaktan ako *sob* sa nangyari, kahit alam kong galit ka sa'kin *sob* andito pa rin ako nung nalaman ko yung nangyari, hindi ako nagdalawang isip na *sob* damayan ka, tapos eto lang yung makukuha kong kapalit? If that's your way of saying *sob* thank you, well you're welcome.  At biglang tumakbo si Bea palabas, agad naman syang sinundan ni Josh at Joyce, naiwan naman kami ni Kris.

Barbie: nawala ba yung sakit na nararamdaman mo dahil sa sinabi mo kay Bea? Yumuko lang sya at nakikita ko sa kanya na nagsisisi sya sa ginawa nya.

Kris: dude, alam namin nasasaktan ka, pero sana naman wag mong isisi sa ibang tao kung ano man yung nararamdaman mo ngayon.

      Umalis na kami, hindi na din kami nakapagpaalam kay tita ellen dahil kailangan na namin makita agad sila Bea.

Joyce's POV

TWEENS:  CAN THIS BE LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon