Chapter One

124K 2.4K 161
                                    

Chapter One

"TAMA NA!" tinakpan niya ang mukha niya ng sunod-sunod siyang batuhin ng kung anu-ano ng mga classmates niyang babae. Ang puting uniporme din niya ay punong-puno na ng iba-ibang kulay ng kung anu-ano. "Stop na please." She cried.

"Ang selfish mo Ainsley kaya pala hindi napapansin ng kuya Clive mo ako dahil hindi mo naman ibinibigay ang love letters namin sa kanya. Ang selfish mo at ang bad mo."

"No you are wrong ibinigay ko kay kuya."

"Sinungaling!" at may tumama na namang kung ano sa kanya hindi na siya tumingin pa. Ilang beses na ba siyang nagtransfer ng school dahil sa pambubully, she never fought back kasi iyon ang turo sa kanya ng kanyang mga magulang. Hindi siya dapat gumanti sa halip gantihan ng kabutihan ang mga taong nagkasala sa kanya kaya nagtiis na lang siya.

"Pati na rin ang gifts ko sa kuya Eon mo ay nakita ko sa trash can itinapon mo iyon eh ang sama mo pinaghirapan koi yon. Sana hindi nalang kami nag-aksaya ng oras na kaibiganin ka dahil wala naman pala kaming mapapala sa iyo." Napangiwi siya ng may tumama sa likod niya, hinampas siya ng walis tambo ng classmates niya.

Marami pang mga babae na nakapalibot sa kanya, alam naman niya ang dahilan kung bakit galit na galit sa kanya ang mga babaeng ito. Alam din niya ang dahilan kung bakit siya kinaibigan ng mga ito sanay na siya na nagiging bridge sa mga kuya niya. HIindi niya alam kung sumpa ba ang pagkakaroon ng mga kuya na gwapo dahil palagi siyang nakaka-encounter ng ganito.

"Hoy, ano iyan!" kusang humawi ang mga nag-uumpukang mga babae at agad na lumapit sa kanya ang kuya Eon niya. "Ainsley? Anong ginawa niyo sa kapatid ko?"

"What the hell?" boses iyon ng kuya Clive niya.

"Kasalanan ni Ainsley iyan Clive tinapon kasi niya ang love letter namin-."

"At sinong nagbigay sa inyo ng karapatan na saktan ang kapatid ko dahil lang sa napakawalang kwentang rason na iyan?" galit na tanong ng kuya niya habang tinutulungan siya ni Eon na alisin ang mga kumapit sa kanya. "At sinong nagsabi sa inyo na utusan ang kapatid kong magdala ng mga sulat na mula sa inyo kung hindi niyo alam prinsesa namin ang bunso namin at hindi utusan. Tinapon ko ang mga sulat dahil wala akong mapapala sa mga iyon hindi ko binabasa mabuti sana kung yayaman pa ako at mas lalong hindi ko babasahin iyon kasi inutusan niyo si Ainsley. At hinding-hindi ko palalagpasin ang bagay na ito." Tumingin si Clive sa CCTV camera na nakakabit sa school.

"Dahil Sa ginawa niyong pananakit sa kapatid ko bukas na bukas ay wala na kayo dito."

"Clive huwag naman maawa ka naman sa amin."

"Naawa ba kayo ng saktan niyo ang kapatid ko? Pasensya na pero hindi ako marunong maawa."

Binuhat siya ng kanyang kuya Eon.

"Kuya marurumihan ang uniform mo." Humihikbing usal niya dito.

"Ssshhh, okay lang si kuya baby sis." Napayakap nalang siya sa kuya niya. Hindi na niya pipigilan ang kapatid niya sa anumang gustong mangyari ng mga ito, napapagod na rin siya sa pananakit na natatanggap niya mula sa mga classmates at schoolmates niya. Nang makalabas na sila ay sinakay na siya ng kapatid sa van na naghahatid at nagsusundo sa kanila sa school.

"Kuya masakit ang cheeks ko." Reklamo niya.

"Patingin nga si kuya." Hinawi ni Clive si Eon at tiningnan ang pisngi niya. "Buwisit ang mga babaeng iyon sinaktan ka pa talaga nila." Nanggagalaiting sambit nito. "May galos ka sa pisngi kailangang magamot ito."

ZBS#7: White Scorpion's Pretend Lover (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon