Chapter Six
"KAILANGAN mong alagaan ang skin mo miss Ainsley sayang kasi kapag nagkapeklat lang gaya nalang nito." Narinig niyang sabi ng dermatologist na tumulong sa kanya upang mawala ang peklat sa beywang niya. Everytime she look at it ay naaalala niya ang gabing iyon kaya mas mabuti ng walang magpaalala sa kanya sa pangyayaring iyon ng buhay niya.
"I will, ilang sessions pa para tuluyang mawala itong peklat ko?"
"We have three more sessions Ms. Ainsley, as of the mean time i-apply mo lang iyong scar cream removal na ibinigay namin sa iyo. It will lighten the scar while the treatment continues." Paliwanag nito.
"Thank you." She bid her good byes to the good doctor and went back to work. Halos ilang araw na rin siyang hindi nagpupunta sa Weds and Rings dahil bigla siyang nakadama ng kakaibang takot. Alam niyang siya ang may plano at dinamay pa niya si Hendrix sa masamang plano niya pero siya pa itong nakakaramdam ng takot kaya siya na mismo ang umiiwas. May dahilan naman siya, she's busy arranging a very important wedding and she needs to be on the field kaya may dahilan siyang gumala-gala. Kapag tumatawag siya sa WaR ay hindi si Clime ang kinakausap niya kundi ang mga secretaries niya alam kasi niya na kapag si Clime ang kumausap sa kanya ay laglag ang utak niya sa katutukso nito kay Hendrix. Magpapahinga muna siya sa padalos-dalos na desisyon na ginawa niya. Hindi naman siya tulad ngayon, she always had a plan made out for her, na kapag nagkamali siya ay may pwede pa siyang lusutan kasi ngayon... iba. Ibang-iba, napasubo siya, walang plano kapag natalo siya talagang talo siya.
"Hey," untag ni Charity na assistant niya at kasa-kasama niya sa pagtahak sa daang hindi masyadong matuwid. Ito rin ang shock absorber niya at ang tagapangalaga niya. "Coffee Ms. Ainsley." Ngumiti lang siya dito at tinanggap ang kape na binili nito sa isang kilalang coffee shop. "Mukha po kayong tense na tense."
"Nah, I'm okay." she smiled at her assistant. "Saana ng sunod nating punta?"
"Sa flower shop Ms. Ainsley." Tinitigan siya nito. "Mabubura na po ang lipstick niyo."
"What? Pahinging mirror," at dahil sanay na sa kanya si Cha kaya naglabas ito agad ng mirror, napasinghap pa siya ng makitang nagla-light na ang kulay ng lipstick niya. She stopped for a moment and re-apply her lipstick at ng makitang ayos na iyon ay napangiti na siya. Kung saan nagsimula ang obsession niya sa lipstick ay hindi na talaga niya maalala, siguro noong sumali siya sa sorority and her dare is to be herself... her true self.
All of her life she has been a good daughter, iyong kailangang anuman ang gawin mo ay hindi makakasama sa reputasyon ng kanyang mga magulang. She's the goody two shoes, sa katunayan ay mas santa pa siya kay Chloe sa kabaitan to the point na inaabuso na siya at binubully ng kanyang mga classmates. Hindi siya lumalaban dahil ayaw niyang masabihan na masamang magulang ang kanyang mga magulang.
But when Hexel asked her to be herself, she unleashed the devil inside her. She learned to unleash her true self and that is to fight when she's already cornered. Hindi sa lahat ng oras applicable ang pagiging mabait minsan ay kailangan mo ring lumaban. Hindi masama ang lumaban kung alam mo na iyon ang ikakabuti mo, hindi masama kung alam mong nasa katwiran ka and that time when she learned the word 'true' she also learned the word 'fight' and the world 'fierce'. And red means fierce, it's Zyrene's color, her color is white an exact opposite of what her true self is.
Minsan naitanong niya kay Hexel kung bakit white ang sa kanya, ngumiti lang ito at matiyagang ipinaliwanag sa kanya ang mga bagay-bagay.
BINABASA MO ANG
ZBS#7: White Scorpion's Pretend Lover (COMPLETED)
Short StoryTeaser: Sinamaan niya ng tingin ang lalaking kaharap niya, ito lang yata talaga ang lalaki sa mundo na hindi apektado sa kanyang katarayan. "Ikaw lang yata ang babaeng hinding-hindi ko magugustuhan, you are nothing but a-." "Bitch? Yes, that's I...