EPILOGUE

119K 2.5K 151
                                    

EPILOGUE


AKALA niya ay sa loob siya ng bahay dadalhin ng may takip sa mukha niya pero pinasok siya sa loob ng isang van, nanlalabo pa ang kanyang paningin ng tingnan niya kung sino ang may hawak sa kanya, malakas siyang napasinghap ng mapagsino iyon kasabay ng pagdagsa ng relief sa puso niya. Ligtas siya at hindi siya masasaktan ng kung sino.

"Honey, are you okay? Nasaktan ka ba?" nag-aalalang tanong ni Hendrix sa kanya, pawisan ito at putlang-putla na pero nakita niya ang takot at pangamba sa mga mata nito ng icheck nito ang kalagayan niya. "Thanks God nakarating ako sa tamang oras." Hindi pa man siya nakakapagsalita ay niyakap na siya nito ng sobrang higpit sa higpit ay halos hindi na siya makahinga.

Tiningnan niya ang pangyayari sa likod nito, there are people in police uniform everywhere, they are holding guns and stuffs. Tiningnan niya ang bawat galaw ng mga tao at kung paano ito pumasok sa bahay niya, her house was invaded.

"Paano mo nalaman na nandito ako?"

"Your brother called." He said without letting her go, "He told me that you are on your way here at papunta na ako ng tumawag ka."

Kumunot ang noo niya. "I didn't call-" naalala niya ang speed dial ng cellphone niya kaya tiningnan niya iyon na hawak pa pala niya. Tiningnan niya ang screen ng kanyang phone may outgoing call na nakaregister doon. HInid niya alam na natawagan na pala niya si Hendrix.

"How come you are my speed dial number one? I thought it's my mom." Nagtatakang tiingnan niya ang cellphone niya. kinuha naman iyon ni Hendrix at muli siyang yinakap dahil sa hindi siya makahinga kaya tinulak niya ito.

"Hendrix ano ba ang higpit mong yumakap." Reklamo niya dahil naiinitan siya.

"Are you hurt somewhere? Did they-."

"Hindi nila ako nasaktan dahil lumabas agad ako ng bahay." She trembles, nakakatakot naman talaga iyon. paano nalang kung hindi siya nakalabas at paano nalang kung hindi ito nakarating kaagad. Mukhang napansin naman iyon ni Hendrix kaya kinuha niya ang palad nito at mahigpit na hinawakan, wala siyang pakialam kung mabali man ang mga buto nito sa kamay.

"Hendrix." Nanginginig ang boses niya ngayon lang kasi nagsink in sa kanya ang takot, kanina kasi ay high na high siya sa relief na naligtas siya nito.

"Yes hon?" malumanay na tanong nito, nanginig ang mga labi niya kasabay ng pagdausdos ng mga luha sa kanyang mga mata. "Why are you crying?" nag-aalala na naman nitong tanong hindi niya pinakawalan ang mga palad nito. "Natatakot ka pa rin ba?"

Tumango siya habang panay ang iyak niya. "Ubos na ang page ng deathnote ko hindi ko na maisusulat ang name nila para makarma sila." Narinig niya ang mahinang tawa nito kaya mas lalo siyang nainis kaya kinagat niya ang braso nito pero panay naman ang tulo ng luha niya.

"Bibili kita ng bagong notebook-."

"Death note iyon! death note!" naiiyak niyang pagtatama dito. "Ano ba iyan bakit ayaw nilang tumigil nakakainis naman." Pagkapunas niya ng luha niya ay may kumatok sa pintuan ng van ng tingnan niya ay si Drake iyon na sumaludo kay Hendrix. Binuksan naman ni Drix ang pintuang sasakyan.

'The coast is clear chief nahuli na ang stalker ni Miss Ainsley pati na rin ang kasabwat niya."

She sigh in relief. "Dalhin niyo sa interrogation room alamin niyo kung may iba pa ba silang kasama baka biglang may sumulpot na naman." Natakot naman siya sa sinabi in Hendrix kaya napayakap siya sa braso nito.

ZBS#7: White Scorpion's Pretend Lover (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon