Chapter Seven-C

83.3K 2.1K 130
                                    

Chapter Seven-C


HINDI niya alam kung ano ang pumasok sa isip niya at dinala pa niya si Hendrix sa lugar na iyon samantalang gusto lang naman niya itong makausap para sabihin na mahal na niya ito, at gusto niyang simulant na nito ang mga pasakit sa buhay niya. Kaya lang ng makita niya ito kanina ay nagbago ang takbo ng isip niya, ayaw niya muna, iyong akala mo ay handa na ang sarili mo sa pagtatapat pero kapag nandoon kana ay bigla ka nalang mag-iiba ng plano kasi bigla mong naisip, sige, try mo muna... maging happy ka muna kasi first time mo iyan. I-enjoy muna niya ang feeling na ganito para mas masakit kapag nasaktan na siya.

"Why do you love eating here, hindi bagay sa iyo." Komento nito.

"May bagay at hindi ba bagay sa fastfood chief? Sa tingin ko naman walang nakapost dito na nagsasabing basta maganda at sexy na tulad ko ay hindi na kumain dito."

"Mabuti at hindi ka pa nabigatan sa silyang binubuhat mo."

"Excuse me lang, totoo naman ah. Saang banda ang pangit sa akin?"

Napailing nalang ito at hindi na nagsalita pa, siguro ayaw na nito ng gulo kapag kasi sila nagsimula ng mag-away ay magkakasakitan na naman sila. Kaya lang namimiss na niyang asarin ito.

"Naku, nawala lang ako ng tatlong araw ganyan ka na others ka na."

"Ainsley." Banta nito.

"Yeah, ang boring mo na." of course that's a lie, kahit siguro hindi na ito magsalita pa ay kontento na siya at masaya na siya.

"Bakit kaya hindi mo subukang manahimik at ng matahimik naman saglit ang mundo ko?" inis na tanong nito.

"Uy, joke-."

He glared at her kaya wala siyang nagawa kundi itikom ang bibig niya, pasimple niyang kinagat ang pang-ibabang labi niya upang hindi na siya makapagsalita pa.

"Manahimik ka muna Ainsley pwede ba iyon? Ayoko munang makarinig ng ingay mula sa iyo."

Muntik na siyang mapasinghap sa naramdaman niya, masakit.... Parang pinipiga ang puso niya... pwede pala iyon ano? Pwede palang sa kaunting mga salita ay makaramdam ka na ng sakit?

She smiled at him, to masked her feelings... "Punta muna ako sa restroom, pagbalik ko hindi na ako mag-iingay. Kailangan ko lang ideactivate ang sarili ko." Hindi na niya hinintay pang magsalita at masabihan siyang maingay ni Hendrix dahil tumayo na siya. Sinuot niya ang kanyang shades habang naglalakad papunta sa restroom, isa sa mga rason kung bakit siya nagsusuot ng shades ay para hindi makita ng mga taong kaharap niya kung ano talaga ang kanyang tunay na nararamdaman.

Pagpasok niya sa banyo ay tinitigan niya ang sarili niya sa salamin, napangiwi siya sa sakit, gusto lang naman niyang makausap si Hendrix dahil namimiss na niya ito. Pero siguro kailangan muna niyang manahimik...

"Ano ba naman Ainsley? Enjoy muna hindi ba? Huwag mo munang i-on ang sensitive feeling mo para kay Hendrix ito, para sa lalaking mahal mo ito ha kaya huwag ka munang maingay." Natatawa niyang pinunasan ang isang butil ng luha na tumulo sa pisngi niya. "Ang babaw mo talaga."

Kinuha niya ang isang maliit na notebook sa bag niya na may nakatatak na death note din sa cover. It's not her original death notebook... it's a new one.

Discovering and accepting your feelings with him... when he doesn't want to talk to you, hurts a bit.

Paglabas niya sa banyo ay okay na siya, pero parang mas gusto niyang bumalik nalang doon at magkulong ng makilala ang kausap ni Hendrix. Alam niyang hindi siya dapat magselos dahil hindi naman sa kanya si Hendrix pero hindi niya maiwasan eh... dahil ang kausap lang naman nito, at halatang-halata ang saya sa mukha nito ay alam niya, ang babaeng laman ng puso nito.

ZBS#7: White Scorpion's Pretend Lover (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon