Chapter Ten-C

122K 2.4K 218
                                    

Chapter Ten-C



MASAYA na siya ng nalaman na okay na si Hendrix, busy siya, nagpapanggap siyang busy dahil nagkakampo muna siya sa kompanya ng daddy niya. Pinakiusapan kasi siya ng ama niya kung pwede ba muna siyang pansamantalang humalili, dapat ang kuya Clive niya pero busy din ito sa babae nito. Kung sinuman ang babae nito magsama sila, ang lakas ng loob nitong itanong kung nasaan si Kaia tapos may babae naman pala ito nakakabuwisit lang. Eh di magsama sila ng babae niya the hell she cares.

"Miss Libiran heto na po ang mga papers na kailangang pirmahan ng daddy niyo." Tiningnan niya ang naka-pile na mga folder agad naman siyang napangiwi. Nakakainis lang dahil ang dami nga naman niyon tapos ang kuya Eon niya ay walang pakialam sa kompanya dahil sa busy din ito sa sarili nitong negosyo... and right now hinahanap din nito si Aleeyah.

Doon siya naglalagi sa bahay nito dahil walang bantay ang kambal palagi kasi itong umaalis, hindi niya alam kung ano ang pinag-awayan ng dalawa dahil bigla nalang umalis si Lee ng hindi sinasabi kung saan ito nagpunta. At malaki ang epekto ng pagkawala nito sa mga bata palagi niyang naabutan ang mga ito ng walang imik at nakatingin lang sa malayo. Kapag kinakausap naman niya ay sinasagot lang siya, hindi na kumikibo after that.

Hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa pamilya niya she feel like everything is falling into pieces, wala na siyang iba pang kayang isipin at gawin dahil napapagod din naman siya. Siya nga halos wala ng pahinga, after this ay kukunin niya sa school ang kambal tapos tutuloy sila sa bahay ng kanyang mga magulang. They are safe there as well as she is.

"Ma'am may naghahanap po pala sa inyo."

"Sino?"

"Pulis po eh." Biglang nagwala ang puso niya sa sinabi ng secretarya ng ama niya pero kinalma nalang niya ang sarili niya masyado siyang busy. "May importante lang daw siyang isasauli mukhang naiwan niyo po."

"Okay papasukin mo." Aniya dito wala na siyang pakialam kung sinuman iyon. Pagod na siyang umiyak, pagod na pagod na siya actually. Umalis ang secretary at saka niya ibinalik ang buong pansin sa binabasa niya ng kuhanin ng isang pamilyar na tikhim ang kanyang pansin. Sinulyapan niya ang kanyang bisita at muling ibinalik ang mga mata sa binabasa kahit na ang totoo ay wala na naman siyang maintindihan.

"May maitutulong ba ako sa iyo chief?" pormal na tanong niya, she wants to be as cold as she can.

"May nahulog ka." She bit her lips when she heard his voice again, she really long to hear those voice again. Pero iyong sakit na matagal na dapat na nakalibing ay muli na namang lumalabas sa mga mata niya sa pamamagitan ng luha. Nagbalik iyong mga panahon na nakikita niya itong masayang kausap si Karylle habang nakasimangot sa kanya, his cold treatment, when he said that he doesn't love her and that kiss. "Sa iyo ito hindi ba?"

Sumulyap siya sa maliit na notebook na hawak nito, hindi niya alam kung paano nito nakuha iyon at iyong pag-aalala na baka nabasa nito ang laman ng notebook. Natigilan lang siya at inabot, hindi niya binuksan ang notebook at saka itinapon sa loob ng trashbin na nasa kanyang tabi.

"Thanks hindi ka na sana nag-abala pa." malamig na tugon niya dito. "May kailangan ka pa ba?" gusto na niya itong umalis para matapos na niya ang kanyang ginagawa. "Do you want a reward? How much?"

Hindi pa rin ito kumilos kaya tumingin lang siya dito at kung hindi lang siguro niya hawak ang sarili niya baka umiyak na naman siya pero hindi siya nagpatinag sa nararamdaman niya she needs to live with this.

"I am not here for the money Ms. Libiran." Pormal na sagot nito.

"Naisauli mo na ang naiwan ko sa tingin ko okay na iyon-." natigilan siya ng may ilapag itong white na folder sa ibabaw ng kanyang mesa. Kinuha niya iyon at binuklat, kumunot ang noo niya ng mabasa niya ang nakasulat doon at kunot-noong napatingin kay Hendrix. "What's this?"

ZBS#7: White Scorpion's Pretend Lover (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon