Chapter Nine-C

99.8K 2.2K 174
                                    

Chapter Nine-C

KANINA pa siya pinipigilan ng mommy niya na lapitan ang dalawa, hindi lang talaga siya mapakali lalo pa at baka ano pa ang masabi ni Hendrix sa ama niya. Masyado silang seryoso kung mag-usap sa pagitan ni Hendrix at ng kanyang ama si Hendrix ang pulis pero sa paningin niya ang ama niya ang pulis at si Hendrix ang nakagawa ng masama dahil iniinterogate ng ama niya.

"Your dad like the guy."

"Huh? Nanlalabo na yata ang mga mata mo mommy paanong gusto siya ni daddy kulang nalang ay pakainin nga niya si Hendrix ng bala ng baril." Kinakabahan na sinilip niya ang ama at si Hendrix sa may sala.

"I know your father and I know when he likes a person or not, he's been in the business for quite a long time and when I said business he knows different kind of people, bastard or not he knew it very well because he was one."

"Mom!" nagulat siya sa sinabi nito her mom was always the beauty queen she looks at, palagi nitong sinasabi na dapat ay maging maayos siya maging presentable siya. She's the perfect woman she always looks at.

"Totoo naman iyon your dad was the first class jerk and a A-hole but I love him by the way and that guy over there." Turo nito kay Hendrix. "I don't like him."

Kumunot ang noo niya sa sinabi ng kanyang ina. "Bakit?"

"Because you are my only daughter Ainsley and I know you love that guy t he was a police officer and take note mataas ang ranggo niya sa gobyerno."

"And the point is?"

"He works in a very dangerous field Ainsley, I know you love danger and everything pero paano kung kayo ang magkatuluyan? Paano kung may misyon siya sa isang malayong lugar at hindi na siya makabalik pa? What if he dies?"

"Mom please don't talk like that magaling si Hendrix he has been there for so many years now." Ayaw niyang isiksik sa utak niya ang posibilidad iyon dahil marinig lang niya ang bagay na iyon kinikilabutan na siya.

"You can still change your mind Ainsley, maganda ka, bata ka pa, I have friends. You can date their sons."

"Sandali lang mommy bakit parang binubuyo niyo na ako sa iba?"

"Because I kind a don't like your guy Ainsley masasaktan ka lang sa kanya pumili ka nalang ng iba anak kahit na hindi natin kalebel basta mamahalin ka at hindi ka sasaktan."

"Mom, kahit sino naman yata basta mahal natin masasaktan at masasaktan tayo at saka it doesn't mean that I love him ay kami na talaga." She smile at her mother dahil alam niyang naguguluhan ito sa kanya.

"What do you mean?"

"I love Hendrix mom but he doesn't have to know that." Mas lalong kumunot ang noo ng mommy niya. "Naniniwala pa rin ako na hindi nag-eexist ang forever sa buhay ko mom, I just want to be happy now."

"May tinatago ka ba Ainsley?"

"I love you mom whatever I am doing this it's already working, I am fixing something while I am breaking. All my hardwork is paying me off."

"Love." Hindi na natapos ng mommy niya ang kung anumang sasabihin ng biglang sumulpot na naman ang daddy niya sa may kusina. "Let's eat."

"Oh, okay, sasabihan ko lang si Esperanza na ihanda ang table." Linapitan ng mommy niya ang kanilang head cook habang hinarap naman siya ng kanyang ama.

"I like that guy for you Ainsley." Isang tabingi na ngiti lang ang ibinigay niya sa ama niya, hindi niya masabi na ayaw ng mommy niya kay Hendrix. "Kausapin mo muna habang inaasikaso ko ang mommy mo kilala mo naman siya masyadong ini-stress ang sarili." Tumango lang siya at dinala ang mga paa papunta kay Hendrix.

ZBS#7: White Scorpion's Pretend Lover (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon