Chapter Nine-A

117K 2.2K 101
                                    

Chapter Nine-A

ABALANG-ABALA siya sa kasal ni Diana, kung bakit naman kasi kailangang may ganoon pa? Kung bakit kailangang unique pa talaga minsan gusto niyang itali ng patiwarik ang mga nobyo ng kanyang mga kaibigan, noong una sa little Devil's ang kasal ni Zyrene at least hindi gaanong mahirap dahil hindi naman ganoon kalaki ang Little Devil at may mga mesa na talaga, Heinz wants a cute and fairytale wedding for her friend and she loves it kahit pabara-bara. Si Colton naman ay halos patayin na siya sa kaiisip kung paano niya maihahanda ang kasal nito kay Karylle, sa presinto ba naman? Bakit hindi nalang sa beach? Si Rye sa cruise ship tapos ngayon sa isang BAR! Take note sa bar talaga and God know how much effort she exerted not to kill Warren just because of this. At sigurado siyang may dalawa pang susunod, napapansin niyang umaaligid-aligid na rin ang kapatid ni Chloe kay Crischelle at ang pinsan niyang si Ashton kay Georgette. Kapag pinahirapan siya ng mga ito swear to God isa lang ang magiging anak ng mga ito dahil icho-chopchop talaga niya iyon ng todo-todo.

"Stress ka na naman nasaan na ang lover boy mo?" untag ni Clime sa kanya habang inaayos nila ang arrangement ng mga bulaklak. Tinutukoy nito si Hendrix, madalas kasi silang magkasamang dalawa. Para nga silang magkasintahan na talaga pero pareho nilang alam kung ano lang talaga siya sa buhay nito but she can't help it everytime she's with him napapasaya siya nito.

"Pupunta din iyon dito mamaya he's invited." Naging kaibigan na rin si Hendrix ng mga lalaking kasintahan at asawa ng mga kaibigan niya dahil madalas itong kasama sa mga pagtitipon kahit na madalas ay sila lang ang palaging magkasama. Tiningnan niya ang buong it took her three sleepless night before she finally finalized her thoughts about the place, it's obviously not suitable for weddings but hey the groom want to get married here dahil dito daw nito unang niyayang pakasal ang kaibigan niya. And for the sake of her friend she's going to make this the best day of her life.

"Malamig na dito Ainsley hindi ka ba nilalamig sa suot mo." Tiningnan niya ang suot niya. She's wearing a thin almost seethrough longsleeve white top and a pair of black leggings and white flats, hinayaan nalang din niyang nakalugay ang buhok niya and of course she's wearing a pink lipstick, not red, for the first time of her life dahil hindi siya nakapagdala ng red kanina kaya nanghingi nalang siya kay Crischelle.

"Ainsley." Agad siyang napalingon ng makilala ang boses ng lalaking kanina pa niya hinihintay.

"Ay, nandito na si sir chief your lover boy, titingnan ko lang ang entrance."

"SIge Clime."

Nang wala na si Clime ay lumapit siya kay Hendrix, at agad na isinubsob ang ulo sa dibdib nito. His arms immediately went around her body hugging her tightly as he kissed her on the forehead. Kahit ganoon masaya na siya kontento na siya.

"Aren't you cold?" tanong nito.

"Nope, but I am tired. I haven't slept for three days."

"Pagpahingahin mo muna iyan Hendrix ako na muna ang bahala dito." Tiningnan niya si Monique na kinuha ang clipboard mula sa kanya.

"No Niq wala ka pa ring pahinga galing sa work mo, you've shoot for days too."

"Uy, nakapagpahinga din ako kahit paano in between our breaks sa ating dalawa mukhang ikaw na ang bibigay." Sinenyasan nito si Hendrix na dalhin siya sa second floor para magpahinga.

"I'll carry you."

"No Hendrix kaya kong maglakad please."

"Malapit ka ng himatayin." Umiling siya.

ZBS#7: White Scorpion's Pretend Lover (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon