Chapter Eight-A

88.1K 2.2K 124
                                    

Chapter Eight-A


"MA'AM, may lalaki pong naghahanap sa inyo dito sa condo unit niyo. Nasa reception po siya at ayaw niyang umalis hangga't hindi po niya malalaman kung saan po kayo." Dinig na dinig niya ang sindak sa boses ng receptionist na tumawag sa kanya. Kapag kasi may naghahanap sa kanya doon at wala siya ay inutusan niya ang mga itong tawagan siya sa landline niya dito sa bahay. Iyon agad ang bumungad sa kanya ng magising siya kinabukassan, mabuti nalang at nakatulog agad siya kaya hindi na siya nakapag-isip pa ng tungkol kay Hendrix.

Hindi niya alam na ganito pala kapag nagmahal ka, bago ka matulog ay siya ang naiisip mo tapos paggising mo ay siya pa rin. Nakakangilo pa nga iyong nararamdaman mo sa dibdib mo na hindi mo maintindihan.

"Ma'am?" tila nagising ang diwa niya ng marinig ulit ang boses ng receptionist.

"Sabihin mo hindi mo ako na-contact, ano ba ang pangalan niya?"

"Pulis po ma'am eh." May sumikdo sa puso niya ng marinig ang sinabi ng kausap, isa lang kasi ang possibleng kilala niyang pulis na pwedeng maghanap sa kanya.

"Naku mas lalong huwag mong sabihin kung saan ako wala naman akong kasalanan." Biro nalang niya.

"Ang gwapo po ma'am kung ako ang hinanap nito magpapahanap agad ako."

"Babalik din agad ako diyan bukas sa ngayon huwag mong ipaalam kahit na kanino kung saan ako."

"Yes, ma'am." Pagkatapos magpaalam sa kausap niya ay bumalik siya sa paghiga, tulog pa ang mga bata at kahit na gustuhin niyang matulog ay hindi niya kaya. Umupo siya ng maayos at saka kinuha ang pinakaunang deathnote na ibinigay sa kanya ng ate Yelena niya. She opened it and check some available pages, agad niyang kinuha ang kanyang pen na may white na ink, of course her deathnote have black paper pages kaya kailangan niya ng light pen para makapagsulat doon. May tatlo pang available pages, sa dami ng pages na nandoon ay iilan nalang ang natira. Sinulat niya ang pangalan ni Hendrix doon, actually buong page ay puro pangalan ni Hendrix ang sinulat niya. At ng magsawa ay ibinalik niya iyon sa kanyang pinagtataguan and just like that biglang gumaan ang pakiramdam niya.

Nagpasya siyang bumangon nalang upang ihanda ang almusal nilang magtiyahin, mamaya ay ihahatid na rin niya ang mga pamangkin niya kailangan niya ng quality time kasama ang mga bata. Pumasok siya sa banyo at naghilamos saka itinali ang kanyang buhok, ibang-iba siya tingnan kapag bagong gising. She felt naked and defenseless kaya ayaw niyang walang make-up. Alam niyang maraming makakarelate sa kanya, kapag may make-up siya lumalakas ang confidence niya sa katawan, natatabunan ang hiya. Kapag wala siyang make-up pakiramdam niya ay nakahubad siya, nahihiya siya parang iyong dating siya lang kaya lang ngayon wala na siyang knights kaya hindi siya pwedeng makita ng ibang tao na ganoon ang hitsura.

But her family is an excuse and her friends, sila lang ang hinahayaan niyang makakita sa tunay na siya iyong hindi kailangang magpanggap na malakas at matapang.

"Another day Ainsley." Bago pa siya pumunta sa kusina ay kinuha muna niya ang kanyang iPad, she opened her schedule for the next week dahil isang linggo ang hiningi niyang bakasyon na naging tatlong araw tapos nadagdagan kahapon at ngayon kaya siksik ang schedule niya sa susunod na linggo, that would help her stabilizing her thoughts and emotions.

Clime: Hinahanap ka ni sir chief.

Medyo nagulat siya sa biglang pagpop out ng blue messenger ng facebook. Pero hindi na siya nagulat sa sinabi ni Clime, mabuti nalang at hindi alam ni Clime ang address ng bahay niya kaya kung masamid man ito ay hindi malalaman ni Hendrix kung nasaan siya,

ZBS#7: White Scorpion's Pretend Lover (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon