Leen POV
Tulala pa rin ako, hanggang break time.
Nakakapanibago lang.
Kung noon ang takbo ng buhay ko ay walang lovelife na sumasagi sa isip ko at tanging mga tagahanga ko lang ang iniisip ko. Pero ngayon, iba na.
Malapit na siguro ako sa stage na...
Magka-love story ulit...
Hindi ko alam kung handa na ako ulit humarap sa ganito kaya di ko masagot ang katanungan ni Jake. Wala pa siyang alam saakin.
Ang ikinatataka ko lang is...
Siya ba talaga yun?
I mean, nagkakilala kami ni Jake na nag-aaway. Pero ngayon,biglang boom. Gustong manligaw? Sino ang hindi magugulat don?
Saka ano raw?
Because I love you!
Naalala ko nanaman yung sinabi niya.
Jake! Anong gagawin ko sayo?! Nalilito na ako sa kinikilos mo ha!
***
1 week after...
Alam niyo ba kung anong nangyari sakin sa lumipas na isang linggo?
Nadiyan yung.
Hi Leen! Flowers for you.
At...
Leen, ang ganda mo pa sa umaga.
At...
Sana tuwing gabi ako na lang yung teddy bear mo. Para lagi mo akong yakap.
Para kang lumpo. Tatawid ka na lang sa isip ko,, sa puso ko pa ka nalaglag.
Kung ako papipiliin sa buhay ko o ikaw, buhay ko ang pipiliin ko. Pero wag ka mag alala, ikaw ang buhay ko.
Araw-araw, makakarinig ka ng banat, bigay, complement, at iba pa!
Marami na ngang nagsasabi na niligawan na ako ni Jake eh. But no.
I really can't believe. Totoo lahat pinapakita niya. Walang plastikan.
Akala ko nung una, pinagloloko niya lang ako. Pero hindi.
Remember JaLeen na lagi niyang nilalagay pag tuwing nag-e-exchange kami ng book, notebook, paper, etc. Alam ko na ang meaning nun.
Ja= Jake
Leen = Leen
Jake + Leen = JaLeen
Napaka bobo ko! Di ko naisip yun.
Hays! Di ko dapat ini-istress ang sarili ko ngayon. Special day ko toh eh!
October 1 pa lang, umuwi na sila mommy and daddy. Dito na sila magstastay sa Pinas. Aalis lang sila dito once a month kaya masaya. Macecelebrate namin ang birthday ko.
At ngayon na yun.
Exactly October 5...
I expect na alam na nila Patricia, Katrina and Bea. And also Michelle dahil pumasok na siya.
BINABASA MO ANG
Fall In Love With Me
RandomHindi mo alam kung pano nagsimula. Wala kang alam kung bakit nangyari yun. At ang tanging alam mo lang ay mahalin siya. Talaga bang gusto niyang mahulog ka sakanya o trip lang? Well, he just want you to... "Fall in love with me..." In love, you don...