FILWM [15]

40 2 0
                                    

Leen POV

"Balita ko na may supresa kahapon sa bahay nila Leen si Jake ah."

"Oh my god, weh? Sila kaya?"

"Anong supresa?"

"Birthday suprise. Kasabwat parents ni Leen."

"In love talaga si Jake kay Leen!"

Agad akong lumapit sa tatlong babae na kanina pa ako pinagtsitsismisan.

"Excuse me. Hindi ba hindi tama ang pag-usapan ang isang tao or ipagtsismisan lalo na't walang kayong alam sa nangyari?" Masungit kong sabi.

"S-Sorry.. "

"Next time, siguraduhin niyo na pinagtsismisan niyo ako, ay di ko rinig ha. Nakakairita sa tainga eh." Sabi ko at umalis na.

Parang kahapon lang nangyari yon, alam na nang lahat? Ganon ba ako kasikat?

Papasok na sana ako ng classroom ng biglang may tumawag sakin mula sa likod.

"Leen."

Agad akong lumingon sa likod ko at nakita ko si.... Lurisse? Or Gen?

"Lurisse?"

"Correction, Gen. Gen Venas." Sabi niya at ngumiti.

Lumapit ako sakanya para magkalinawan kami.

"Oh? Bakit?" Tanong ko.

"I heard na birthday mo kahapon. Uhmm... belated happy birthday. " sabi niya.

"Thank you."

"At... pinabibigay ni Joseph." Sabay abot sakin ng isang bracelet.

Eto yung bracelet na ginagawa namin noon. Nung grade 6 pa lang kami, lagi niya akong ginagawan ng bracelet. At... eto nanaman.

"Ah.. paki sabi na lang salamat. Di ka pa papasok?" Tanong ko.

"Nope. May kailangan pa kasi akong gawin. Pero naka excuse na ako." Sabi niya at tumango tango na lang ako.

"Sige pasok na ako." Sabi ko nang biglang bumukas ang pintuan.

"Leen nandiyan ka na pala--"

Agad akong lumingon sa labas at nakita ko si Jake.

"Ako na kukuha ng gamit mo." Sabi na lang niya at dumiretso na sa locker ko.

"Mukhang may something sainyo ni Jake ah..." natatawang sabi ni Gen.

"Hindi.. wala--"

"Meron nga. Nililigawan ko siya." Biglang singit ni Jake.

"Ahhh... sana rin kung maging kayo ay tumagal kayo--"

"Tatagal talaga kami dahil papatibayin namin ang relelasyon namin." Mariin na sabi ni Jake.

Kriiiiingg

Save by the bell. Buti nag bell na means oras na para magsimula ang mga klase.

"Tara na Jake. Pasok na tayo ng classroom." Sabi ko at di na pinansin si Gen.

Nginitian naman ako nito at inakbayan papasok ng classroom.

Hindi ko alam kung ano gusto iparating ni Jake kay Gen kanina. Alam kong may past ang dalawang iyon dahil sa inaakto ni Jake at mukhang nahihirapan si Gen na makita or mapansin si Jake.

Pero kanina na nakita ko si Gen,parang nag-init ang dugo ko sakanya. Hindi ko alam kung bakit.

Bahala na si batman. Magkaklase pa.

Fall In Love With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon