FILWM [24]

48 3 0
                                    

Leen POV

"Please... fall for me.."

Umiwas ako ng tingin.

Naglakad ako patungong back stage.

Wala akong pakielam kung nakakabastos pero ayoko na manatili doon!

Sobra na ako nasasaktan...

--

"Kuya bibili lang ako ng meryenda sandali." Paalam ko sa driver ko.

Tumango lang ito.

Pumasok siya sa loob ng sasakyan para hindi mainitan.

Maglalakad na sana ako ng sumulpot bigla si Gen.


"Gen naman! Papatayin mo ba ako sa gulat?" Tanong ko dito.

"Eh kung mamatay ka lang sa gulat nagawa ko na." Seryoso niyang sabi na ikinatigil ko.

Okay?

"Bakit pala?" Pag iiba ko ng topic.

"Nandito ako para balaan ka. Layo-layuan mo na si Jake kung hindi, baka mawala ka na sa mundong ibabaw." Seryoso niyang sabi.

"Gen... FYI lang. Boyfriend ko na si Jake. At wala kang karapatan-"

"So ganon ganon na lang? Akala mo naman girlfriend ka niya? Aba, feel na feel mo gurl." Sabi niya sabay tumawa ng fake.

Hindi ko siya pinansin at maglalakad na sana nang harangan niya ang dadaanan ko.

"Huwag feelingera babae ha. Akin si Jake matagal na. At ikaw ay sabit lang na madaling ihulog pag ginusto ko." Sabi niya at naunang umalis.

Umiling iling ako para hindi isipin ang mga pinagsasabi niya.

Hinintay kong tumigil ang mga sasakyan dahil kailangan kong tumawid para makapunta sa kabila.

Gusto ko ng kwek kwek with shake T.T

Nasa gitna na ako ng karsada nakahinto dahil may dumadaan pang sasakyan.

Pero may siraulo na nakasakay sa motor ay lagpas na linya mag maneho.

Gago yun ah!

Dirediretso lang siya ng maneho at nanlaki ang mata ko na padiretso siya saakin.

Napapikit na lang ako.

Lord ayoko pa mamatay!!!

Naramdaman kong may humila ng uniform ko palikod kaya napahiga kaming dalawa sa lakas ng impact.

Muntikan na magulungan yung paa ko. T.T

Buti na lang at walang dumadaan na sasakyan sa kabilang karsada kaya okay lang na nakahiga kami.

Nagulat ako nang sabay kamimg tumayo ng katabi ko.

"A-Anthony?!" Gulat kong tanong.

Ngumiti naman siya at tinulungan niya ako sa pagtayo.


Tumawid na kami ng tuluyan.


"Wow! Ang famous ko talaga at kilala ako dito." Natatawa niyang sabi.


"Hahahaha. By the way Leen." Pagpapakilala ko.



Tumango tango siya.


"Sige salamat sa pagligtas. Bibili pa ako ng meryenda eh." Sabi ko.


"Libre ko na." Sabi niya at pumunta sa bentahan ng kwek kwek.


"Sige ba!" Sabi ko at sumunod sakanya.


"Sampung kwek kwek at large size ng shake. Ang flavor ay cookies and cream ha?" Sabi ko. Tumawa naman siya.


"Halatang gutom ka na ah." Natatawa niyang sabi.


"Oo nga eh. Akala ko mamatay na ako ng gutom. Ang panget pa nang pagkamatay ko nun." Natatawa kong sabi.

Bigla naman may bumangga sakin nang pagkalakas lakas.


Tiningnan ko naman ito at nakita kong si Jake na seryosong nakatingin sa mga paninda.


Nakita naman ni Anthony ang pag bangga sakin ni Jake.


"Pare, nanadya ka ba? Babae yung binanggga mo. Hindi ka man lang nag sorry." Sabi ni Anthony kay Jake. Tumingin naman si Jake kay Anthony.

"Nanadya ka rin din? Girlfriend ko yang kasama mo. Hindi ba't ikaw dapat ay lumayo layo sakanya? Grabe ka makadikit dikit sakanya eh." Galit na sabi ni Jake. Napalayo naman ng onti si Anthony saakin.


"Jake tumigil ka nga." Pag saway ko sakanya.


"Eto na po."


Agad ko kinuha kay manong yung kwek kwek at shake. Syempre nilagyan ko muna ng suka ang kwek kwek.


"Anthony salamat ah. Pero kailangan ko nang mauna. Kanina pa ako hinihintay ng driver namin." Paalam ko kay Anthony saka tiningnan si Jake. "Ikaw, wag feeling boss." Sabi ko at umalis na don.



Mas gugustuhin kong kumain.

Fall In Love With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon