Leen POV
"Okay na po nurse?" Rinig kong tanong ni Thea sa nurse.
"Yes Thea. You can go back to your respective classroom." Rinig ko naman na sagot ng nurse.
Naramdaman ko na lang na pumasok ng kuwarto si Thea at nilapitan ang kama na inuupuan ko.
"Leen, sabi ng nurse wag mo daw masyado igalaw yung daliri mo. It takes 30 minutes para di humapdi. Nagamot naman daw yung sugat mo diyan." Nakangiting sabi sakin ni Thea. Tumango ako.
"So... let's go?" Tanong niya. Tumingin ako sakanya at tumango.
Sabay kaming tumayo sa kama at lumabas ng kuwarto. Nagpaalam si Thea sa nurse at umalis din kami.
Habang pabalik ng classroom ay tahimik ang paligid dahil may klase pa rin.
Bigla naman siya nagsalita.
"Leen... puwede mag tanong?"
"Ano yun?" Tanong ko. Bigla naman siya tumigil sa paglalakad kung saan malapit na kami sa classroom namin.
"May kayo ba ni Jake?" Tanong nito. Tinitigan ko lang siya sa mata at di nagsalita.
Hindi ba't kabilin bilinan ng daddy mo na hindi ka puwede mag boyfriend?
Last mo na 'to, Leen. Pag umulit ka pa sa kagaguhan na ito. Kakalimutan kita na naging anak kita.
Kaisa isa akong anak nila mommy at daddy. Kaya di ko susuwayin sila.
"Wala 'no!" Pagsabi ko ng totoo. Pero nililigawan niya ako. Rrr... mangilabot ka nga Leen.
"Mmm..."
Akmang maglalakad ako ng pigilan niya ako.
"Pero may gusto ka sakanya?" Tanong niya.
Sasagutin ko sana siya ng biglang lumabas ang mga kaklase namin sa classroom. Ibig sabihin uwian na.
Nakita naman agad ako nila Patricia kaya agad nila ako hinila papalapit sakanila.
"Kamusta? Ano nangyari?" Nag aalalang tanong ni Bea. Umiling akp at ngumiti.
"Maayos na. Wag kayo mag alala." Sabi ko saka binuksan ang locker ko. Naka puwesto kasi sa labas.
Pagkabukas ko ay nagulat ako na nag kalaman ito. Sa pagkakatanda ko ay di ako nag iiwan ng papel sa locker ko dahil maiipon at maiipon lang ang mga yan diyan.
Isang kulay green na papel ang nasa loob. Kinuha ko ito at tinanggal sa pagkalatupi. Isang... poem?
Smile
Pretending is okay
And walk away
Even if thousand mile
SmileI'm on stage
And your not
I'm happy not because your not here
But because I'm happy with youWithout you I'm nothing
With you I'm something
I'll do all my best
Just to be your best friendPeople will judge you no matter
Do what makes you feel better
Always bring your smile"Uy ano yan!"
Agad kong tinupi at tinago ang papel.
"Katrina naman! Masyado kang nang gugulat!" Sabi ko at inilagay sa locker ang papel.
BINABASA MO ANG
Fall In Love With Me
RandomHindi mo alam kung pano nagsimula. Wala kang alam kung bakit nangyari yun. At ang tanging alam mo lang ay mahalin siya. Talaga bang gusto niyang mahulog ka sakanya o trip lang? Well, he just want you to... "Fall in love with me..." In love, you don...